ASHLEY's POV
Habang na sa kotse kami ni James patungo sa school 'di ko maiwasang isipin si Kurt.
Masaya kaya siya ngayon? Iniisip niya rin ba ako? Hinanap niya kaya ako? Naaalala niya pa kaya ako? Ilang taon na pala ang nakalipas simula ng pumunta siya sa Korea. Ano kaya itsura niya ngayon?
Aish! Ang tanga ko kasi eh! Hindi ko man lang natanong kung saan bahay nila o kaya kung ano buong pangalan niya.
Ano kaya mangyayari kung hinintay ko siya? Magiging kami ba katulad ng pangako namin sa isa't isa?
'Some promises are meant to be broken' ika nga nila pero sa tingin ko dapat tinupad ko ang pangakong maghihintay ako sa kanya.
Kung hindi lang namatay ang mga magulang ko. Namatay ang mga magulang sa car accident on their way to the airport for their bussiness trip.---FLASHBACK(5 years ago)---
Another boring day...
3 araw na ang nakalipas mula ng mamatay sila mama at papa at 3 araw na rin akong nagkukulong sa aking kwarto. No food. No gadgets or anything.
Alam ko na once na lumabas ako sa kwarto ko ay pipilitin nila James na tumira ako sa bahay nila.
'Ayoko! Gusto kong tuparin ang pangako ko sa kanya. Naniniwala akong babalik siya' Ayan ang palagi kong sinasabi tuwing niyayaya nila akong umalis sa bahay na ito. 'Apat na taon na ang nakalipas baka nakalimutan ka na nun!' Ayan naman ang palagi sinasabi ni James. Kahit na apat na taon na ang nakalipas, gusto ko pa rin tuparin ang pangako ko sa kanya. Malay mo natagalan lang ang pag galing ng dad niya.
Gutom na ako! Baka mamatay ako sa gutom ne'to!
'Di ko na kaya! Gutom na gutom na ako! Jinjja!
At dahil sa sobrang gutom ko, lumabas ako sa aking kwarto patungo sa kusina. Tulog na siguro sila sa ganitong oras. 3:40 pa lang naman ng madaling araw eh.
Agad kong binuksan ang ref at kumuha ng kahit anong pagkain na makita ko at baka mahuli nila ako.
Sa sobrang dami ng nakuha kong pagkain ay nabitawan ko ang platong may lamang pagkain kaya agad- agad akong tumakbo patungo sa aking kwarto pero biglang may yumakap sa aking likuran.

BINABASA MO ANG
Secret Love
Fiksi RemajaAshley Fortalejo, Ang babaeng inlove na inlove kay Edward Scott Pero wala siyang lakas na loob para sabihin yun sa kanya But what if their feelings are the same but they are both scared tell What should they do? Tell what they feel or just do no...