CHAPTER 17: TEARS OF JOY

18 5 0
                                    

ASHLEY's POV

It's been a month since Khyle started courting me and he's always been nice to me, that's why I have decided.

To: Khyle

Let's meet later after lunch. Pwede ka ba mamaya?

Wala pang isang minuto ay nakatanggap na agad ako ng reply mula sa kanya

From: Khyle

Sure. Ano ba pag uusapan natin? Miss mo na ako 'no? Don't worry miss na rin kita.
Labyu♥︎

Loko talaga 'to! Haha!

To: Khyle

Loko ka! 'Di kita lab! Iba lab ko! Bleh:p

From: Khyle

Sa messenger tayo mag chat. Nauubos yung load ko.

Kuripot. Sinunod ko naman. Mauubusan nga naman ako ng load.

Sino lab mo? Si Khyle? Ivan? Si Khyle Ivan Scott?
Sobrang gwapo naman ng lab mo.

Di siya! I love...

Sino? Siguraduhin mo lang na mas gwapo sa akin yan!

I love myself.
'Di ba mas lamang pa sa'yo?

Hindi naman gwapo e.
Hindi rin maganda.

:(

Dyosa pwede pa!

Yiieeee! Kinikilig si ako. Namula ako ng slight.

♥︎__♥︎

...

Kinilig ka naman!

Oo na kinilig na si ako.
Masaya ka na?
Bye na nga!
Kakain muna ako.

Bye. Ilabyu♥︎

Lumabas na ako ng kwarto ko upang kumain dahil tanghali na. 

Mag isa lang akong kumain dahil wala yung mag ina. Nagbonding daw sabi ng katulong nila.

Pagkatapos kong kumain agad naman akong nagpalit ng pang alis na damit para makipagkita kay Khyle.

Tinext ko naman siya na magkita na lang kami sa coffee shop sa mall na malapit sa bahay namin.

Nakita ko agad siya ng makarating ako sa meeting place namin.

Kinakabahan ako. Alam ko naman na maganda yung outcome nito pero 'di ko maiwasang kabahan dahil siya ang una kong magiging boyfriend.

Tama kayo. Sasagutin ko na siya.

"Khyle!" Tawag ko sa kanya habang papalapit sa kinauupuan niya.

Lumingon naman agad siya at ngumiti. "Hello!" Yung ngiti niya sobrang laki as in, hindi mo na makita yung maa niya sa sobrang ngiti at ang... kyuuuttt!!!

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon