CHAPTER 16: KILIG MOMENTS

20 5 8
                                    

ASHLEY's POV

Katulad nga ng sabi ni Khyle, hinahatid sundo niya ako araw
araw.

Sobrang sweet niya kaya! Ngayon lang ako nakaencounter ng ganito kasweet na manliligaw.

Malamang. Siya pa lang ang una mong manliligaw.

Sabay kami ngayon maglalunch

"Ako na oorder. Ano gusto mo?" Tanong ko.

"May I order Ashley Jane Fortalejo?" Nakangisi niyang tanong. 

"A-ano ba! Seryoso ako dito oh!" Sabi ko. Kenekeleg po eke! I need oxygen!

"Yiieee! Namumula siya! Kinikilig siya!" Pang aasar ni Khyle.

"Seryoso na kasi! Hindi pa tayo makakakain nito eh. Tignan mo magtatime na" sabi ko sabay pakita sa kaniya yung relo ko. 10 minutes na lang time na.

"Lasagna na lang rin"

"K"

Bibili na sana ako ng pagkain namin ng biglang nagbell indikasyon na tapos na ang lunch.

*KRRIIINNNNGGGGG!

[Andyan na si mamang sorbetero. Jk]

Kasabay nun ang pagkulo ng sikmura ko. Gutom pa ako. Hindi pa ako kumakain.

Bumalik ako sa puwesto namin ni Khyle na nakasimangot.

"Oh, asan na yung lasagna?"

"Tapos na ang lunch" nakasimangot kong sabi.

"Problema pa ba yun? Edi magcutting" sabi ni Khyle habang tinataas baba ang kilay.

"Bad ka! Nasasayang yun tuition fee ko talaga sa'yo!"

"Edi babayaran ko. Magkano ba?" Sabi niya tapos nilabas yung wallet niyang kasing kapal ng mukha niya.

"Ang yabang mo. Ayoko pa naman ng mayabang" pagpaparinig ko.

"Huh? Sino mayabang? Tara suntukin natin!"

"Ayaw ko rin ng basagulero"

"Good boy 'to! Hindi pa nga ako nakakasuntok ng lalake eh."

"Hahahahhahaha! Binibiro lang kita! Kung ano ano pinagsasabi mo dyan." Natatawa kong sabi

"Baka maturn off ka sa'kin eh" sabi niya habang nakakamot sa batok.

"Matagal na kaya akong naturn off sa'yo. Ang pangit mo, payatot ka pa at ang yabang mo" pang aasar ko.

"Eto? Pangit?" Sabi niya tapos nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko tapos tinuro niya pa sarili niya. Dahan dahan akong tumango, nagiingat lang baka kung saan saan tumama yung mapula't malambot na parte ng mukha.

"Talaga?" Sabi niya tapos inilapit pa ng konti yung mukha niya.

"Lumayo ka nga! Ang baho ng hininga mo." Kunwaring nababahuan ako kahit na sobrang bango ng hininga niya.

Lumayo naman siya, kinuha yung perang na sa kamay ko na dapat pangbibili ko ng pagkain at bumili ng pagkain namin.

Bumalik rin agad siya dala dala ang pagkain namin.

"Tara! Sa rooftop ulit tayo!" Pag aya niya sa akin tapos hinawakan ako sa kamay at hinila papuntang rooftop.

"Kailan mo ba ako sasagutin? Para makapagready naman ako" biglang sabi ni Khyle habang kumakain.

"Excited ka! 'Di kita sagutin dyan eh!"

"Tinatanong ka lang eh. Lab na lab kaya kita" sabi niya tapos bigla niya akong niyakap samantalang ako nangangamatis sa sobrang pamuula ng mukha. Eh kese nemen eh kenekeleg pe eke dete

♥︎___♥︎

"I can't wait for you to be mine. And when that happened, I want to hug you everyday and kiss you." Sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Ang corny mo!" Sabi ko pero deep inside nagwawala na ako sa kilig ♥︎

"I'm serious. And I hope you'll be mine soon, so that I can do that." Seryoso niyang sabi habang nakayakap pa rin sa'kin. Ewan ko ba kung bakit hindi ako makapalag sa kanya, pwede ko namang patanggal ang pagkakayakap niya sa akin pero bakit parang mas gusto kong nakatakap siya?

Hanggang sa hindi ko namalayan na napayakap na rin ako sa kanya.

"Chansing ka ah! Sagutin mo na kasi ako para araw araw pwede mong gawin yan sa'kin" sabi niya kaya agad akong napabitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"Che! Ikaw yung unang yumakap sa akin! Ikaw nga yung chansing dyan!"

"Sagutin mo na kasi ako! Please? Please? Please?" Sabi niya habang nag pa puppy eyes.

"Gusto ko munang patunayan na may forever sa panliligaw mo." Pang aasar ko.

"Hindi mo na kaylangan patunayan dahil kapag sinagot mo na ako, dun mo mapapatunayan ang forever na inaasam ng marami" sabi niya tapos hinawakan niya ang aking pisngi at unti unti niyang nilapit ang kaniyang mukha.

Natigilan ako ng maglapat ang aming labi at unti unting pinikit ang mata at tumugon sa halik.

Agad rin namang natapos ang halik dahil agad siyang humiwalay.

"S-sorry..." nakayuko niya sabi.

"I-it's o-okay" naiilang kong sabi.

Second kiss ko... sa kanya ulit na punta... ottoke?!

__________

Hope you like it!

Vote & Comment

Enjoy Reading!

And Thank you for reading!

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon