CHAPTER 14: MANLILIGAW

17 6 2
                                    

ASHLEY's POV

"Napag isipan mo na ba?" Biglang sumulpot kung saan si Khyle pagpasok ko sa classroom. May lahi ata 'tong kabute.

"A-ah... h-hindi ko pa alam..."

"Just remember, I'm willing to wait" 'yun yung huli niyang sinabi tapos umupo na siya sa upuan niya kaya umupo na rin ako.

Hay nako! Sayang tuition fee ko dito! Wala namann pumapasok sa utak ko.

Isang lang ang naintindihan ko, "Class dismiss" sa dina dinaming sinabi ng teacher namin, ayan lang naintindihan ko.

Nagsitayuan na yung mga kaklase ko kaya tumayo na rin ako at nagtungo sa canteen.

"Bessy! I need some advice" sabi ko ng makita ko siyang tahimik na kumakain sa isang table.

"Ano na naman yun?" Irita niyang tanong. Ay! Oo nga pala, bawal yan istorbohin kapag kumakain. "Kain ka muna. Hintayin kitang matapos."

Nang matapos niyang kumain, nanghingi agad ako ng advice

"Bessy, kaylangan ko ng advice. Magpapaligaw ba ako kay Khyle? 'Di ko alam gagawin ko!"

"Eto advice ko sa'yo, bahala ka sa buhay mo!" Ang sama!

"Bahala ka rin! Hindi kita tutulungan kay James!" Sabi ko.

"Sabi ko nga mag aadvice ako sa'yo. Eto naman oh! Excited!" Natatawa niyang sabi.

"If I were you, magpapaligaw ako para maranasan mo naman kung paano magpaligaw. Lahat kasi ng nanliligaw sa'yo nirereject mo agad! At mukhang mabait naman si Khyle eh. Pero it's your choice naman yan eh. kahit ano pa ang sagot mo, susuportahan pa rin kita" Seryoso niyang advice sa akin. Ayan na ang pinakaseryoso niyang advice sa akin.

"Siguro magpapaligaw na lang ako. Tama nga ang sinabi mo, palagi ko na lang nirereject mga nanliligaw sa'kin kaya hindi ko na nararanasan ang magpaligaw." Sang ayon ko sa kaniya.

"Bilis! Go na! Hanapin mo na! Istorbo ka eh!" Pagtataboy ni Chloe.

Agad ko siyang hinanap. Nagtungo ako sa rooftop at hindi ako nabigo dahil nakita ko siyang tumatambay sa rooftop mag isa.

"N-nae sarang!" Last day na nga pala ngayon ng deal namin.

"H-huh? B-bakit?" Gulat na tanong ni Khyle. Mukhang hindi niya ine expect na pupunta ako dito.

"U-uhm... M-magpapaligaw na a-ko" nauutal kong sabi.

Bigla siyang ngumiti at niyakap ako.

"Talaga?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango ako.

Hinigpitan niya yung yakap niya tapos umikot ikot.

"Yes!"

Natawa na lang ako sa inaakto niya. Grabe! Ganyan pala sila kapag pinayagan mo silang manligaw sa'yo, sobrang saya nila.

Yung mga dating gustong manligaw sa akin na nireject ko agad, ano kaya nararamdaman nila nung time na yun? Noon kasi kay Edward at Kurt lang ang atensyon ko kaya hindi ko na iniisip kung masasaktan ba sila o hindi, basta basta na lang ako ng rereject.

Sarap pala ng feeling na alam mong may nagmamahal sa'yo ng TUNAY.

Sana nga totoo siya at hindi niya ako lolokohin.

Binaba niya na ako at hinawakan naman niya yung magkabilang pisngi ko na medyo ikinagulat ko.

"Thank you! Thank you! Thank you! You don't know how happy I am" nakangiti niyang sabi.

"MakaThank you ka diyan, akala mo sinagot na kita. Paalala ko lang sa'yo, pinapayagan pa lang kitang manligaw!" Natatawa kong sabi.

"Ganun na din yun! Dun rin naman ang punta eh"

"Feeling mo naman sasagutin kita agad."

"Sa gwapo ko ba namang 'to, baka nga mamaya sagutin mo agad ako eh" sabi niya tapos nag pogi sign.

"Hangin! Sobrang lakas ng hangin! Magkakabagyo na ata!" Biro ko.

"Anong mahangin? Totoo naman eh! Matitiis mo ba ang gwapong na sa harapan mo?"

Lumingon lingon ako sa likod niya at sa gilid gilid

"Saan? Saan yung gwapo? Wala naman eh!" Biro ko.

"Psh! Na sa harapan mo na po! Ang gwapong nilalang na nagngangalang Khyle Ivan Scott. Pinaka gwapong lalaki sa buong mundo!"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Saan banda?"

"Mula ulo hanggang paa" sabi niya tapos kumindat.

"Talaga?"

"Hindi ka marunong sumuporta!" Inis niyang sabi tapos nagpout. Ang cute!

"Ang cute!" Sabi ko tapos pinisil ko yung pisngi niya.

"Pwede ba kitang ihatid sundo simula bukas?" Tanong niya.

"Sure"

___________

A/N: Hello readers! BTW every monday po ako naguupdate so be patient and pakifollow po si SquadHelpers
Isa po ako sa mga admins dyan and matutulungan po namin kayo if your having problems with wattpad and nagrerecommend kami ng mga stories na pwedeng mabasa and tutulungan namin kayong pasikatin yung mga stories niyo kung meron man, all you have to do is follow squad helpers and read it's update. That's all.

Hope you like it!

Vote & Comment

Enjoy Reading!

And Thank you for reading!

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon