ASHLEY's POV
"Yah! Pansinin mo naman ako! Kanina pa ako salita ng salita hindi ka naman nakikinig" pagmamaktol ni Khyle.
Kasalukuyan kami ay na sa klase. Unfortunately, ang kulit ng katabi ko--sobra. Sinusubukan kong huwag siyang pansinin at baka sakaling tumigil na siya pero lalo lang siya naging maingay.
"Hindi mo talaga ako papansinin? Tignan natin kung hindi mo pa ako papansinin..." Ano na naman binabalak nito?
"Hahahahahahaha s-st-op! Hahahaha! Ayoko na!" Kiniliti niya ako sa tagiliran ko. Pansinin ko na nga baka mahuli pa kami ng teacher buti na lang pinaka dulo yung puwesto namin.
"Oo na papansinin na kita. " sabi ko ng nakangiti.
"Friends?" Tanong niya sabay lahad ng kamay niya.
"Friends" sabi ko sabay abot ng kamay niya. Mukhang mabait naman siya eh makulit lang.
"Sabay ulit tayong maglunch mamaya ah" tumango ako bilang sagot.
"Class dissmiss" lunch na!
"Kaja!" Sigaw ni Khyle. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko pero ngumiti lang siya sa akin.
---
"Ano gusto mo?" Tanong ko sa kanya ng makarating kami sa canteen.
"Ikaw" ano daw?! Ako? You want me?! Sorry, I'm already taken but you can be one of my husbands like Nam Joo Hyuk, Kim Taehyung, Park Jihoon, Park Hyung Sik, Byun Baekhyun, Lee Minho, Lee Jongsuk and many more! Syempre joke lang! Hindi ako assumera!
"Huh?" Ayan lang ang nasabi ko sa sobrang dami kong nasabi sa utak ko.
"A-ah... Ibig kong sabihin ikaw, anong gusto mo?" Nauutal niyang sagot. Ok, medyo nadisappoint lang. Medyo lang.
"Crush mo ko no?" Pabiro kong tanong. "Hindi no! Never! Hindi kita gusto!" Defensive much, Khyle?
"Binibiro ka lang naman! Masyado kang defensive!" Natatawa kong sabi.
Pagkatapos ng asaran session namin, kumain na kami ng tahimik. Nakakapanibago siya. Ang tahimik niya! Tapos palaging wala sa sarili. Try ko kung ano sasabihin niya kapag tinanong ko 'to!
Nilabas ko agad ang cellphone ko, pinunta ko sa voice record at tinapat sa bibig niya.
"Bakla ka ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo" wala sa sarili niyang sagot.
"Hahahahahahahahahahahaha!" Grabe! LT 'to! Haha!
kumunot ang noo niya ng narinig niya akong humalakhak pero agad din nawala at nanlaki ang mata niya. Narealize niya siguro ang sinabi niya.
"H-hin-di... Ang ibig kong sabihin... Uh.. A-ano.. Ibig kong sabihin--" hahaha! Laughtrip talaga!
"'Wag ka ng magdahilan. Huling huli ka na" sabi ko sabay play ng nirecord ko kanina.
"Bakla ka ba?"
"Oo"
Hahahaha! Epic ng mukha niya! Gulat na gulat! Lumaki ang singkit niyang mata ng marinig niya yung nirecord ko.
"Hindi nga ako bakla!" Depensa niya
"Patunayan mo" hamon ko sa kanya
Pagkasabi ko nun, agad niyang hinawakan ang aking pisngi at.....
Hinalikan niya ako. HINALIKAN NIYA AKO!!
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Waah! T_T First kiss ko! Iningatan ko nga yun para kay Edward eh! Tapos... Tapos nanakawin lang ng kapatid niya! Waah! Otoke?!T_T

BINABASA MO ANG
Secret Love
Teen FictionAshley Fortalejo, Ang babaeng inlove na inlove kay Edward Scott Pero wala siyang lakas na loob para sabihin yun sa kanya But what if their feelings are the same but they are both scared tell What should they do? Tell what they feel or just do no...