ASHLEY's POV
Another dramatic day... I wish I could wake up beside him.
Enough drama!
So, I did my morning routine and immediately run through the stairs because of hunger.
I ate my food quietly until I saw James walking down stairs.
"Hoy! Hindi ka daw nakikinig sa klase? Sino na naman iniisip mo nun? Siya na naman ba?" Bungad na tanong sa akin ni James. Dinamay na naman si Kurt.
"Hindi siya! Tsaka wala ka na dun!" Hindi alam ni James kung sino crush ko. Of course I'm not dumb! Pagnalaman niya, malamang sasabihin niya 'yun kay Edward.
"Tsk! Kapag nalaman ko kung sino yun, bugbog sarado sa akin yun!"
Baka mabugbog mo, kaibigan mo. Baka lang.
Umirap na lang ako. Baka mamaya hindi ko pa mapigilan yung bunganga ko at mabunyag ang aking mahiwagang sikreto. Secret love.
Tahimik na nagdrive si James papuntang school, which is unusual. Mukhang hindi lang ako ang may problema dito.
"May problema ka ba?" I asked. Obviously there is.
Umiling lang siya kahit obvious naman. Hindi na lang ako nagsalita dahil mukha namang hindi rin niya sasabihin. Maybe later, alam kong hindi niya kayang magtago ng sikreto sa amin.
Hanggang sa makarating kami sa school namin, tahimik pa rin siya.
Mag pinsan nga kami. Ang dami naming drama sa buhay.
Tahimik akong naglakad papunta sa classroom mag isa dahil hindi kami magkaklase ni James at wala naman akong nakasalubong na dalawang baliw. (Chloe & Khyle)
Hindi ko namalayan na ang aga kong pumasok ngayon dahil iilan pa lang ang mga student na nasa school kaya pala wala pa yung dalawang baliw.
Naglakad lakad muna ako hanggang sa madala akong ng paa ko sa rooftop ng building.
Bigla ko na lang naalala yung nangyari dito na may nagconfess kay Edward na babae at bago pa lang ako dito nun.
---FLASHBACK[3 Years ago]---
Sabi ng teacher namin na pwede daw akong maglibot libot muna para makabisado ang mga lugar dito since bago pa lang ako dito.
Naglibot libot ako at puro pinto ng classroom lang ang nakikita ko pero sa dulo ng mga pinto na 'yon ay may hagdan paakyat, mahaba ang hagdan.
Nacurious ako kung ano meron dun kaya umakyat ako sa hagdan na 'yon at ng makapunta ako sa aking pakay, agad akong namangha.
Ang ganda ng view! Rooftop pala ito at kitang kita mo mula rito ang mga studyanteng masayang nakikipagcommunicate sa kapwa nilang studyante at sa kabilang side naman ang maliit na ilog na may malaking sign na 'keep out'. Sayang, balak ko sanang magswimming mamaya kaya lang bawal.
Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto at bumungad ang gwapong lalake na mukhang iritang irita.
Agad akong nagtago sa likod ng pader.
Bumukas muli ang pinto at lumaba duon ang babaeng mala coloring book ang mukha sa sobrang kapal ng mukha-- I mean make up at sobrang iksi ng palda.
"Edward! Please! I really really like you! Tayo na lang!" Sabi ng babae sabay yakap sa likod nung lalaking gwapo.
"Ganyan ka ba kabobo para hindi maintindihan ang sinabi ko sayo?! Ang sabi ko sayo, 'wag mo 'kong sundan! At hindi kita gusto!" Iritang sabi nung gwapong lalake.
"And get your hands off of me" medyo mahinahon na niyang sabi. Halata sa kaniya na nagpipigil siyang manakit.
Bigla namang lumuhod yung canvas girl at nagmakaawa
"Please! I beg you! I'll give you whatever you want. Just please let's be together" pagmamakaawa ni canvas girl.
"For what? For you to be famous? Para may maipagyabang ka? You're pathetic!" Sabi ni Mr. Crush. Na Love at first sight ata ako sa kanya.
Nagsimula ng pumatak ang mga luha ni canvas girl kaya kumalat yung make up niya at Tumakbo siya pababa ng rooftop.
Natigilan ako ng magsalita si Mr. Crush
"Tapos na palabas, baka pwedeng lumabas ka na dyan?"
---END OF FLASHBACK---
"Ashley! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng kung sino na nagpagulat sa akin
"Ay! Mr. Crush!" Napasigaw ako sa gulat.
"Sabi na nga ba, crush mo 'ko eh! Dinedeny mo pa nung nakaraan!" Asar ni Khyle
Andyan na pala ang isa sa baliw.
"Anong drama yan? Kanina pa kaya ako dito! Tinatawag kita pero yung utak mo na sa Mars pa eh" Sulpot naman ni Chloe.
Oh! Kumpleto na ang dalawang baliw.
"Bakit ang hilig magpaasa ng mga lalaki? Binibigyan nila ang mga babae ng sign na wala lang palang meaning"
"Hindi naman kami paasa, sadyang umaasa lang kayo" sabat naman ni Khyle.
"Pero dapat hindi na sila nagbibigay ng mga signs kung wala naman talagang meaning yung pinaggagawa nilang sign-signs na yan!" Katwiran ko naman
"Hindi naman kasi aware ang mga lalaki na nilalagyan niyo ng meaning ang mga kinikilos nito" Sabat ulit ni Khyle.
"Edi dapat maging aware sila sa kinikilos nila! Kasi ang sakit umasa!"
____________
Mga lalaki nga naman, paasa!
Hahaha! Joke lang!

BINABASA MO ANG
Secret Love
Teen FictionAshley Fortalejo, Ang babaeng inlove na inlove kay Edward Scott Pero wala siyang lakas na loob para sabihin yun sa kanya But what if their feelings are the same but they are both scared tell What should they do? Tell what they feel or just do no...