CHAPTER 27: WANNA HAVE FUN

18 2 1
                                    

PJH's POV

As she said, she just wanna have fun.

Ngayon, hindi muna niya p-problemahin ang boyfriend niya.

Nagsasawa na siyang palagi na lang ito'ng galit sa kaniya dahil lang sa paglapit niya kay Edward.

Bukas na niya ito p-problemahin dahil ngayon, gusto niya munang magsaya.

Sumama siya kay Edward kahit na galit si Khyle sa kaniya.

Dream come true na 'to at hindi niya na ito papalampasin pa.

"We're here" said Edward.

'Oh my god! I can't wait to see and hear them!' Ashley said in her mind

Her hands are shaking in so much excitement.

She got out of the car quickly.

"Hindi ka naman mukhang excited niyan 'no?" Natatawang sabi ni Edward.

"Hindi ako excited 'no" sabi ni Ashley "excited na excited!" She said excitedly.

Umupo agad sila sa nakareserve na upuan para sa kanila. VIP kasi yung ticket nila.

May ilang minuto pa bago magsimula ang concert kaya nag kwentuhan muna sila habang nag hihintay.

"Thank you talaga dito, dream come na 'tong makapunta sa Kpop concert," sabi ni Ashley. Kahit na may pera siyang pambili, hindi siya makabili dahil sa madali itong ma sold out.

Nang magstart ang concert, sinabayan ni Ashley ang unang nagperform na kumanta kahit na mali mali ang kaniyang lyrics.

Mahinang natawa si Edward nang marinig niyang hindi tugma ang lyrics ni Ashley sa nagpeperform.

"oh, bakit ka umiiyak?" gulat na tanong ni Edward.

Ngayon lang napansin ni Ashley na nag uunahan na pala ang kaniyang mga luha sa pagbagsak. Pinunasan niya ito at umiling.

"wala 'to. Siguro sa sobrang tuwa kaya naluha ako" sabi ni Ashley na nakangiti habang ang mga luha niya ay patuloy pa rin sa pagtulo.

Sa kalagitnaan ng concert, walang ginawa si Ashleh kundi makisabay sa kantahan kaya hindi niya napansin na kinuhanan na pala siya ng litrato ni Edward.

'now, I have a beautiful wallpaper on my phone.' sabi niya kaniyang isip.

NATAPOS ang concert na masaya si Ashley.

Kahit nagmumukha siyang tanga kakakanta at sayaw kahit mali mali ay wala siyang pake basta magawa niya ang gusto niyang gawin.

Sa hindi malamang kadahilan ay parang gusto niyang yakapin ang lalaking kasama niya ngayon na naging dahilan kung bakit natupad ang isa sa kaniyang pangarap.

Kaya ginawa niya iyon. Niyakap niya ito ng mahigpit yung tipong hindi na siya makahinga sa higpit.

"thank you so much! You don't know how happy I am right now because of you and I thank you for that" sabi ni Ashley habang nakayakap pa rin kay Edward

Akmang lalabas na si Ashley sa kasalukuyang lugar nila kung saan ginanap ang concert nang pigilan siya ni Edward.

"oh, saan ka pupunta?" tanong ni Edward. "bakit? 'di pa ba tayo uuwi?" nagtatakang tanong ni Ashley.

"not yet. There's more..." sabi nito at biglaan na lang hinila si Ashley patungong... Backstage? Ano naman kaya ang gagawin nila doon? Baka hindi sila papasukin doon.

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon