CHAPTER 10: THE PARTY

17 9 6
                                    

ASHLEY's POV

Gaya ng sabi ni Chloe, siya nga ang nagayos sa akin at syempre mas binonggahan niya yung kaniya pero syempre mas maganda pa rin ako! Dyosa ata 'to!

"Ready ka na?" Tanong ni Chloe.

"Maybe. Medyo kinakabahan pa bes e." Dream come true na kasi to eh.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tita Jelaine (James' mother)

"You two look beautiful! Manang mana ka talaga kay tita!" Wika ni tita Jelaine.

"By the way, your handsome date is waiting down stairs. Believe me, they are hot! As in super hot!" Tili ni tita. Aakalain mong kaedaran lang namin si tita dahil kung paano siya kumilos, magsalita, kiligin at sa itsura niya mukhang teenager talaga! Promise!

Tinignan ko muna ang reflection ko sa salamin kung maayos ba ang mukha ko baka kasi mukha akong tanga mamaya e.

"Tara na" sabi ni tita at hinila kami ni tita, ng makapunta kami sa may hagdan dahan dahan niya kaming binitawan at naunang bumaba sa hagdan.

"Boys, meet your mala dyosang date for tonight!" Sabi ni tita kaya bumaba na kami. Nauna si Chloe.

Habang naglalakad pababa ng hagdan, nakita kong titig na titig si Edward sa akin kaya nahiya naman ako. Kasi naman napakagwapo ng date ko. Mga 50% na babae sa school nagkakagusto sa kanya at isa na ako dun.

"Shall we?" Nakangiting tanong ni Edward. Ayyiiieee! Kakilig! Yung killer smile bes! I need oxygen! Yung oxygen na galing kay Edward! Charot!

Tumango na lang ako. Ewan ko ba, nawalan na ata ako ng boses kasi kanina pa ako hindi nagsasalita. That's what you call speechless! Speechless sa kagwapuhan na taglay ng kanyang date.

---

"We're here!" Sabi ni Edward at agad lumabas sa kanyang kotse sa driver's seat. Bubuksan ko na rin sana yung pinto sa side ko ng biglang binuksan ni Edward yung pinto.

"Syempre dapat gentleman ang date mo" wika ni Edward. Pinisil ko yung magkabilang pisngi niya

"Alam mo ang kyut kyut mo" sabi ko habang pinanggigilan ang pisngi niya. Hokage 101.

Namula naman yung pisngi niya. Cute^u^

"T-tara na baka hinihintay na tayo dun"

Pagpasok pa lang namin sa loob, akala mo mga hayop na nakawala sa kanilang kulungan-- ay hindi pala! Mas malala pa sa nakawalang hayop.

Andaming naghahalikan, napakausok, napakalakas ng music akala mo mga bingi, at napakaraming alak na nasa table nila. Sobrang wild.

"Tamang party ba ang napuntahan natin?" Taka kong tanong. Tinignan naman niya yung phone niya na nakalagay dun yung address. Tumango siya.

"Edward!" Sigaw ng kung sino sa likuran namin kaya lumingon kami. Lalake na sa tingin ko siya lang ang maayos ang itsura kumpara sa mga tao dito. Kumakaway kaway pa siya sa amin. Hindi ko naman siya kilala.

"John!" Bati pabalik ni Edward. "Happy birthday nga pala pre!"

"Salamat" so, siya yung may birthday.

"Tara! Dito ang puwesto niyo" sabi niya sabay hatak sa aming dalawa ni Edward. Pumunta kami sa may dulo ng kwarto at may nakita kaming kahoy na pintuan, binuksan niya yon at namangha ako sa nakita.

Kabaligtaran ito ng kaninang napuntahan namin. Napakalinis, decent at napaka calm.

Agad nahagip ng mata ko sila Chloe at James na nagsasayaw sa gitna. Mukhang naiirita si James samantalang sayang saya si Chloe.

Hindi ko nga alam kung bakit iritang irita si James sa kanya. Napaka arte talaga ng lalaking 'to! Maganda naman si Chloe, may pagkamaldita nga lang.

"Shall we?" Bigla na lang may naglahad ng kamay sa harap ko.

Nahihiya kong tinanggap ito. Keshe nemen eh, eng gwapo nete *blushed* meyged! Why so handsome?

Naglakad kami papunta sa gitna ng dance floor. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinulupot niya sa leeg niya tapos ipinulupot naman niya yung braso niya sa bewang ko na nagpatigil sa akin.

Hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Tinignan ko siya pero tipid na ngiti lang ang binigay sa akin.

Nagsimula na kaming sumayaw o magyakapan. Mukha kasi kaming nagyayakapan kesa nagsasayaw. I'm a bit uncomfortable.

"You're so beautiful" bulong ni Edward. Uminit ang buong mukha ko sa sinabi niya. "And cute too" OMAYGHAD! I can't breathe! Bakit ba ganyan ka?

Pinapaasa mo na naman ako eh! Ganyan ka naman eh! Sasabihan mo 'ko ng mga magagandang salita pagkatapos nito, wala ng pansinan! Back to normal na ulit! Kainis! Sana ganito pa rin kami kinabukasan...

____________
I'm inviting you to read my friend's story 'The Chubby Woman And The Imperfect Man' by belabelsheart and 'Amazona Girls VS Bad Boys' by Lady_Kim01

Dedicated to AeLaine0115
Hi tita Jelaine!

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon