CHAPTER 22: BESSY

9 5 2
                                    

ASHLEY's POV

Kasalukuyang na sa mall kami ni bessy para makalimutan ang masakit at malungkot na nangyari ngayon.

At para na rin makapagbonding kami dahil minsan na lang kami magkasama nang maging kami ni Khyle.

"So where do you want to start?" Nakangiting tanong sa akin ni Chloe.

"Ikaw bahala." Sagot ko.

Kaya naman biglaan niya akong hinila papunta sa kung saan.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng isang tindahan na may mga mamahaling damit pang alis.

Syempre pumasok kami dun kesa naman ngumanga lang sa tapat ng tindahan.

Kumuha ng basket si Chloe at dali daling naghanap ng mabibili niyang damit kaya naman ginawa ko rin ang ginawa niya.

Syempre hindi eksaktong ginawa niya, mag mumukha naman akong copycat. Psh! Sa ganda kong 'to? Copycat? Maldo andwae!

Nagtataka kayo kung bakit ako nangbabara? Tanong niyo kay Author, baka alam.

[A/N: Nandamay ka pa. Red days be like.]

Sshh! Ang ingay talaga ni Author kahit kailan. Kakahiya kaya! Pagkalat ba naman sa readers niya-- kung meron man.

"Oh! Bayaran mo na! Bilisan mo. Masamang pag intayin ang maganda" biglang sulpot ni Chloe sa harapan ko habang inaabot ang basket na punong puno ng damit. Napatingin naman ako sa basket ko, 1... 2... 3........... 8... 9!

Ang kapal talaga ng face ni Bessy. Siyam pa lang na pipili ko tapos siya punong puno na ang basket tapos ako pa pagbabayarin. Ang galing naman niya *sarcasm*

"K. Pasalamat ka may utang na loob ako kundi ikaw pagbabayarin ko neto" sabi ko habang naglalakad patungong cashier hawak hawak ang mga babayaran.

"Thank you po:)"

"CHLOEEEE!!!!" Sigaw ko ng malaman ko kung magkano yung mga damit.

8,900 pesos??!!! Myghad! Ubos ang allowance ko.

Wala naman akong choice kundi bayaran yun.

Hinanap ko ang babaeng umubos ng allowance ko at nakita ko naman siyang nagtatago sa mga damit na nakasabit.

"CHLOOEEEEEE!!!!!" Sigaw ko. Nag peace sign naman siya at biglaang tumakbo papalabas ng tindahan.

Kaya naman hinabol ko siya hanggang sa makapunta kami sa labas ng mall.

Hingal na hingal na ako ng maabutan ko siya sa park na katapat ng mall.

"You're dead" sabi ko na parang tinatakot siya. Humakbang hakbang siya paatras hanggang sa wala na siyang mahakbangan.

Agad ko siyang kiniliti ng kiniliti hanggang sa nahiga na siya sa sahig kinikiliti ko pa rin siya.

"S-st-stop! I-I C-can't... hahaha! h-hin-di a-ako ma-maka-hinga. Hahaha!" Pautal utal niyang sabi dahil sa kakatawa.

Tinigil ko ang pagkikiliti sa kaniya dahil kawawa naman siya at baka makapatay pa ako nito.  

"Fine. Babayaran ko yung allowance mo pag uwi natin." Sabi niya na nagpangiti sa akin. "Good" sabi ko ng nakangiti.

Akala ko naman mawawala na ang treasure ko. Sayang effort kong mag ipon kung mapupunta lang sa kanya ang pinaghirapan ko. 8,900 rin yun.

"Tara na! May pupuntahan pa tayo" aya niya sabay hila sa braso ko. Hindi man lang ako pinagpahinga. Nakakapagod kaya! Palibhasa hindi siya napagod e.

Hinila niya ako papasok ulit sa mall at tumakbo patungong escalator paakyat habang hila hila pa rin ang braso ko.

"Ano ba! Masakit!" Reklamo ko. Binitawan naman niya ako. Better. 

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Malamang! Babalikan yung pinamili. Aba! Sayang rin yun! Ano sila? Sinuswerte?" Sabi niya with matching irap pa. Oo nga 'no? Nakalimutan ko. My Ghad! Tumatanda na ata ako! Chaarr! 16 pa lang si ako. Sweet 16 (16, 16)~ Samuel! Nae sarang♥︎

So ayun nga. Binalikan namin yung mga binili namin at sumakay ulit ng escalator paakyat patungo'ng sinehan.

"Kyyaaaahh! Ito bessy! Panoorin natin!" Excited niyang sabi habang tinuturo ang pelikula'ng romantic, comedy, at action. 3 in 1 na 'to.

"Okay" pag sangayon ko.

Bumili na kami ng ticket namin at napag isipang kumain muna dahil may 30 minutes pa kami bago mag start yung movie.

Nagtungo kami sa isang fast food chain.

*after 20 minutes

"Bili muna tayo ng snacks natin" aya ni Chloe at tumango naman ako bilang pag sangayon.

Kakatapos lang namin kumain at nandito kami sa sinehan at ang tabi nito ay ang tindahan ng mga pagkain.

Nang magsimula na ang movie ay excited na excited si Chloe habang nakaupo at nanonood.

"Yiieee! It's starting!" Tili pa niya kaya naman napatingin ang mga tao sa kaniya, nagpeace sign na lang siya at ngumiti ng pilit.

Habang ako, tahimik lang na nanonood at tutok na tutok sa aking pinapanood.

"Yiiieeee!! Ang gwapo ng bida!"

Oh? Akala niyo si Chloe 'yon 'no? Nagkakamali kayo! Dahil ako 'yun, the one and only me.

"Huhuhu! Bakit napatay si my labs?!" Mangiyak ngiyak na sambit ni Chloe habang naglalakad palabas ng sinehan.

hahaha! Laughtrip! Yung kaninang excited, ngayon nanlulumo. Hahaha!

"Anong next?" Tanong ko.

"Uwian na! Bwisit!" Nakasimangot niyang sambit.

"Hahaha! Kasi nood nood pa e. Haha!" Natatawa kong sabi.

"Tara na nga! Maiinis lang ako dito!" Sambit niya at padabog na sumakay sa kotse.

Sumunod na lang ako sa kanya.

For me, This day is memorable...

_________

Ganito sana tayo kaso iba ka na, ibang iba. Chaarrr!! Jk lang.

By the way, happy happy birthday Park Jimin!! Saeng il chukha hamnida~ saranghae~

Hope you like it!

Vote & Comment

Enjoy Reading!

And Thank you for reading!

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon