CHAPTER 24: SORRY

16 4 1
                                        

ASHLEY's POV

Una kong pinuntahan ang classroom niya pero nang makarating ako dun, wala nang tao.

Sunod kong pinuntahan ang gym, nagbabaka sakaling naglalaro lang ito ng basketball pero wala ring tao dun.

Sunod kong pinuntahan ang canteen. Sobrang raming tao sa canteen kaya nahirapan akong hanapin siya, babalik na lang ako mamaya.

Naghanap hanap ako hanggang sa may maalala ako.

Sa rooftop! Dun siya palaging tumatambay para matulog.

Dali dali akong umakyat ng hagdanan patungong rooftop.

'Di uso elevator, samantalang ang yaman yaman ng school na 'to!

Nang makarating ako sa rooftop, nilibot ko ang paningin ko sa rooftop para mahanap siya at hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko agad siya sa isang sulok na natutulog.

Nilapitan ko siya at pinagmasdan ang kanyang mukha habang natutulog.

Ang gwapo niya talaga. Para siyang anghel na nagmula sa langit. Na hindi nauna yung mukha sa paglanding sa lupa.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nitong idinilat ang kanyang mga mata. Kumunot ang noo niya nang mapagtanto niya kung sino ang na sa harapan nito.

"What the f*ck are you doing here?" Kalmado pero nakakunot noo niyang sabi. Nagulat naman ako nang magmura siya sa harapan ko. Hindi ko alam na nagmumura pala 'to. Of course! Halos lahat ng tao marunong nang mag mura. Ako nga nagmumura e.

"I came here to look for you," sagot ko.

"What for? To lie? Well, I don't need it" sabi niya at akmang aalis na pero agad ko siyang niyakap patalikod.

"Please... I missed you..." bulong ko at unti unti nang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo.

Natigilan naman siya. Nanatili siya sa kinatatayuan niya kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon at hinarap ko ito at niyakap ng sobrang higpit.

"I missed you so much... please... talk to me," sabi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib pero hindi siya umimik kaya lalo pa akong naiyak.

Pero ang nakakagulat, bigla niya akong niyakap pabalik.

"I'm sorry, I missed you too..." bulong niya sa tenga ko na ikinagulat ko.

Inangat ko nga ulo ko upang magtama ang aming mata.

Nakita kong may tumulong luha galing sa mata niya. Tinuyo ko ang luha niya gamit ang mata ko.

"W-why... are you crying?" Mahina kong tanong na halos hindi niya na marinig. I'm still shocked that he is crying right now, in front of me and saying that he missed me.

"I've been a jerk. I should've let you explain. I'm a jerk for making you cry. I'm sorry" sabi niya habang sunod sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Inangat niya ang kaniyang kanang kamay upang mahawakan ang aking pisngi at unti unting nilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa maglapat ang aming labi. Umiiyak pa rin siya habang hinahalikan ako. Naghiwalay rin ang labi namin pero magkalapit pa rin ang aming mukha. "I'm sorry, Can you still forgive me?" Aniya nito.

"Sorry rin, so bati na tayo?" Nakangiti kong tanong.

Tumango naman siya habang nakangiti rin. Pinunasan ko ang pisngi niyang basa dahil sa luha niya.

"Bakit ka ba umiiyak?" Natatawa kong tanong habang pinupunasan ang luha niya.

Umiwas siya ng tingin "Wala," sagot niya.

"Sus! Kunwari ka pa! Naiyak ka lang sa kagandahan ko e!" Biro ko.

"May bagyo ba ngayon? Bakit biglang humangin ng napakalakas? Tara na nga, baka maabutan pa tayo ng bagyo," biri nito at akmang hihilahin ang aking kamay subalit agad ko itong iniwas sa kaniya.

"Tse! Bahala ka dyan sa. Buhay mo!" Inis kong aniya at lumabas ng rooftop. Tinignan ko ang orasan ko, sampung minuto na lang at tapos na ang lunch!

MyGhad! Hindi pa ako kumakain! Baka mamatay ako sa gutom! Paano na si Khyle? Si Edward? Chaarrr!  Hindi siya kasama! Echos lang. Si tita? Si Chloe? Si James?

Agad akong kumaripas ng takbo patungong canteen. Waah! I can't die today! I have to live! Pero napatigil ako ng may yumakap sa akin patalikod. 

"Sorry na, maganda ka naman talaga e" bulong niya sa tenga ko. May pa husky voice pa siyang nalalaman. Sorry ka! Gutom ako ngayon kaya wala akong pakelam sa husky voice mo na yan. Mamaya ko na lang yan pupuriin kapag busog na ako. Bawal akong magutom.

Tinanggal ko ang pagkakayapkap niya sa akin at nagpatuloy sa pagtakbo.

Hingal na hingal akong nakarating sa canteen pero hindi ko ito binigyan pansin at nagmamadaling bumili ng kahit anong biscuit, lima ang binili ko. Mamaya ko kakainin ng patago sa klase yung apat habang yung isa kinakain ko na. Bawal daw kumain kapag nagkaklase. Edi wow!

Sakto naman na nagbell na kaya deretso ako agad sa classroom ko.

Change of plan, tatlo na lang kakainin ko mamaya. Dalawa ngayon.

"Ai ko!!" Tawag ni Khyle sa akin. Nilingon ko ang gawi niya. "Sorry talaga kanina, I've been harsh to you," hingal na hingal niyang aniya.

"Huh?"

"For teasing you na may bagyo, for not telling you that you are beautiful, I'm sorry" sincere nitong sabi.

"Bwahahahaha!!"

Kumunot ang noo niya nang marinig niya akong tumawa "Why are you laughing? I'm being sincere here,"

"I don't need your apology, nagbibiro lang ako kanina. Galing kong umarte 'no? Inlab ka na niyan?" Natatawa kong aniya.

"Damn! I look like an idiot! Why didn't you tell me?" Tawa lang ang naisagot ko sa kaniya. His face is priceless.

"Sorry, I was just hungry so I don't have time to explain that joke," I said.

"Huwag ka na uling magbiro ng ganon. Akala ko galit ka." Seryoso niyang sambit.

"Sorry,"

_________

Hope you like it!

Vote & Comment

Enjoy Reading!

And Thank you for reading!

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon