CHAPTER 28: BATI NA ULIT SILA

13 2 0
                                        

ASHLEY'S POV

As usual, pagpasok ko sa eskuwelahan ay madami na naman ang nagbubulungan ngunit hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi nila.

Hindi ko na lang ito pinansin, as long I'm not their topic.

Malapit pa lang ako sa classroom ay rinig na rinig ko na ang ingay na nagmumula sa classroom pero nang makapasok ako ay bigla itong natahimik, tila may dumaan na anghel.

Weird...

Pero nang makaupo ako sa aking upuan ay biglang namatay ang ilaw.

Tanging naririnig ko lang ay ang mga reaksyon ng aking mga kaklaseng maaarte.

'anong nangyayari? '

'waaah! Takot ako sa dilim'

'sino nagpatay ng ilaw? '

'ano ba yan! Nag Memake up pa ako! '

Ang sumunod na nangyari ay biglang ma bumukas na ilaw-- Spotlight na nakatutok sa pintuan.

Bumukas iyon at iniluwa nun si Khyle na may hawak na gitara at kumakanta.

"Baby I'm falling Head over heels
Looking for ways to let you know just how I feel
Wish I was holding You by my side
I wouldn't change a thing cause finally it's real"

Kumakanta siya habang naglalakad patungo sa pwesto ko at nakatitig sa akin.

"Tryna hold back You oughta know that
You're the one that's on my mind
I'm falling too fast Deeply in love
Finding the magic in the colors of you

You're the right time at the right moment
You're the sunlight keeps my heart going
Know when I'm with you Can't keep myself from falling
Right time at the right moment
It's you
You, it's you
You, it's you"

Napakaganda ng kaniyang boses kaya ang mga maaarteng kaklase kong babae ay kilig na kilig. Akala mo sila kinakantahan, mga feelingera!

"Every night in my bed I'm dreaming
That it's you in my arms I'm holding
Girl all I want is you

You know you're the right time
At the right moment
You're the sunlight keeps my heart going
It's you

Cause You're the right time at the right moment
You're the sunlight keeps my heart going
Know when I'm with you Can't keep myself from falling
Right time at the right moment
It's you
You, it's you
You, it's you

You, it's you"

Nang matapos niya ang last part ng kanta ay na sa harapan ko na siya at hindi ko mamamayan na may bulaklak siya sa kanyang likuran at inabot niya sakin iyon pero hindi ko agad inabot ito.

At mayroon pa, may banner na nakasabit sa likod ng classroom at nakasulat din ang katagang...

'I'm sorry, I love you'

Nang ibalik ko sa kaniya ang paningin ko ay nakaturo siya na parang sising sisi sa kaniyang ginawang kasalanan.

Hindi ko naman kayang magalit sa kaniya ng matagal kaya inabot ko na ang bulaklak na inaabot niya sa akin.

Nag angat siya ng tingin sa akin na parang nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng pag abot ko ng bulaklak na ibinibigay niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. Namiss ko 'to. At siyempre Namiss ko rin siya.

"sana mapatawad mo ako dahil sa pagiging seloso ko. Hindi ko mapapangakong hindi na iyon maulit pero susubukan ko para sayo" bulong ni Khyle sa akin habang nagyayakapan pa rin kami.

"pinapatawad na kita, kahapon pa. Hindi ko naman kayang magalit sayo ng matagal e" sagot ko sa kaniya.

"Sorry talaga. Hahayaan na kitang lumapit kay Edward. Susubukan kong hindi magselos para sayo basta huwag lang kayo yung sobrang lapit, okay na siguro sa akin yun. " dagdag pa niya.

"salamat. You might not be the perfect boyfriend but you are the best boyfriend for me" sabi ko. Ako ba talaga nagsabi ne'to? Ang corny!

Nakaramdam lang ako ng hiya nang marinig ko ang palakpakan ng mga kaklase ko sa amin. Ngayon ko lang naalala na may nanonood pala sa amin.

'yiiiieeeeeee! '

'yoooowwwnn!'

'boss Khyle, pumapagibig!'

Natawa ako sa mga reaksyon ng mga kaklase ko. Habang ang iba naman naming kaklase ay walang pakealam sa amin.

Wala rin akong pake sa kanila.

Nanalo ang mata ko nang bigla na lang akong halikan ni Khyle sa harap ng maraming tao at...

Sa harap ni Edward...

Saktong pagpasok niya ng classroom ay ang paghalik sa akin ni Khyle.

Bakas sa mga mata niya ang sakit na para bang tinutusok ng karayom ang puso niya.

Alam ko na ang pakiramdam na yan dahil naramdaman ko na yan nung panahon na patay na patay pa ako sa kaniya tuwing hindi niya ako pinapansin at kapag may kasama siyang ibang babae.

Nagiguilty ako sa ginagawa ko dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero sinasaktan ko siya...

Pero teka, napaka assumera ko naman ata nito. Baka naman sa ibang bagay siya masasayang pero bakit umaasa akong dahil sa akin siya nasasaktan.

Wala na dapat akong nararamdaman para sa Kaniya pero bakit ganito?

Bakit umaasa pa rin akong magkakagusto pa siya sa akin kahit na meron na akong iba?

Ang gulo!

_____

Hope you like it!

Vote & Comment

Enjoy Reading!

And Thank you for reading!


Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon