CHAPTER 23: SAD

15 5 2
                                    

ASHLEY's POV

Panandalian lang ang pagkalimot ko sa mga problema't lungkot ko.

Ngayon kailangan ko na namang harapin ang katotohanan na hindi pa rin kami okay ni Khyle.

Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin. Nakapatay palagi ang cellphone niya at palagi siyang wala sa bahay nila.

Monday ngayon, pasukan na naman ulit.

Plano kong kulit kulitin siya hanggang sa pansinin niya ako since magkatabi lang naman kami sa klase.

Mag isa ako ngayon na papasok dahil nanuna si James at may LQ kami ni Khyle.

Naglakad lang ako papuntang school dahil walang taxi na dumaan sa village namin ngayon at dahil malelate na rin ako.

Pagpasok ko pa lang sa school ay andami ko ng narinig na masasamang salita tungkol sa akin at kay Khyle.

'Buti nga! Bagay lang sa kaniya yan'

'Sana hindi na sila magkabati ni Khyle'

'May pag asa na ko kay Khyle'

Psh! Nag away lang kami, may pag asa ka na?

Sige lang, umasa ka pa hanggang masaktan ka.

May narinig na naman akong bulungan na may kasamang tilian.

'Kkyyyaaaahh! Ayan na si Khyle!'

'Omo! Ang gwapo niya!'

'Sana talaga hindi na sila magkabati ng malanding babaeng yun forever'

G*go! Walang forever! 'Wag ka nang umasa! Echosera!

Gusto ko nga sana yun isigaw kaso nga lang andyan si Khyle at baka lalo pa kaming hindi magkabati.

Kaya inirapan ko na lang yung sumigaw nun at nagwalk out.

Pagpasok ko pa lang ng classroom, naglabas agad ako ng libro na pwedeng mabasa pero hindi naman talaga ako magbabasa dahil pang cover up ko lang yun.

Kunwari nagbabasa pero hinihintay pala si Khyle.

Simula nang makapasok ako sa classroom, pasilip silip ako sa pinto kung dumating na ba siya pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita.

Mukhang iniiwasan niya talaga ako:(

No, think positive. Baka mamaya, may emergency lang o baka may tumawag lang sa kanya kaya natagalan

Babae ba yung tumawag?
Baka pinagpalit na niya ako...

No! Hindi maaari! Hindi ako papayag! Simpleng conflict lang 'to. We can do this.

Fighting!

Napagdesisyonan ko na hanapin na lang siya mamayang lunch break dahil mukhang walang talaga siyang balak na pumasok.

"Okay class, attendance" sabi ng teacher namin pagpasok pa lang ng classroom.

Nagtawag siya ng mga pangalan ng kaklase ko. Tinawag niya ang pangalan ko kaya sumagot ako ng present hanggang sa tawagin sa ang pangalan ng katabi kong absent.

"Khyle Ivan Scott?"

"Absent" sagot ko pero hindi ko inaasahang halos lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin habang ang teacher ko naman ay may sinusulat na kung ano.

Nagsilapitan sila sa pwesto ko at isa isa nila akong tinanong kung bakit absent si Khyle at ang tanging sagot ko lang ay hindi ko alam. Hindi naman sila napansin ng teacher namin kaya todo lapit lang sila. Famous nga pala si Khyle.

May lumapit ulit sa akin ba kaklase kong babae at tinanong ang kanina pang tanong sa akin

"Asan si Khyle? Bakit siya absent?"

"Sabi nang hindi ko alam e!! 'Di ka ba marunong makaintindi?! Mga chismoso't chismosa!" Hanggang sa naubusan na ako ng pasensya. Nasigawan ko siya kaya naman lahat ng tao sa loob ng klase ay napatingin sa amin kahit teacher namin ay napatingin na rin sa gawi namin.

Pero wala ako pakealam sa kanila.

Para kasing pinapamukha nila sa akin na wala akong kaalam alam kung anong nangyayari sa kanya samantalang ako ang girlfriend niya. Parang pinapamukha na walang pake sa akin si Khyle...

"Oh bakit ka sumisigaw?! Affected ka? Tinatanong ko lang kung bakit siya absent, kung makapagsalita ka parang may sinabi akong masama sayo!" Sabat niya. Ngayon ko lang na recognize kung sino ang kaharap ko ngayon. Isa sa myembro ng SQUAD, si Claire.

"Ano bang pakealam mo kung absent si Khyle?! Napakachismosa mo! Kung makatanong ka akala mo close kayo!" Sabat ko naman sa kanya. Mayabang na kung mayabang pero ano ba ang pake niya? Hindi naman sila close.

"Dahil gusto ko si Khyle! Dati ko pa siya gusto! Simula elementary pa lang pero dahil sa'yo hindi niya na ako napapansin! Paepal ka! Malandi! Akala ko ba si Edward ang gusto mo?! Bakit si Khyle ngayon ang boyfriend mo?! Ang landi mo!" Pag amin ni Claire. Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na nagkagusto ako kay Edward? Ganun ba ako ka obvious?

Chismosang teacher. imbis na awatin kami, nakinood pa sa away namin.

"Talagang nagulat ka pa na alam kong may gusto ka kay Edward. My God! Napaka obvious mo! Halos lahat ng kaklase natin alam yun! Idiot!  Kaya 'wag mo na silang paglaruan at lokohin---" biglang naputol ang susunod niya pang sasabihin ng may sumigaw sa likuran ko.

"Shut up!! You have no right to judge her! You don't know the real story so don't judge us! Manahimik ka na lang at problemahin ang sarili mong problema, hindi yung pinoproblema mo pati yung amin." Galit na galit niyang sabi. Namumula ang buong mukha niya.

Natahimik naman si Claire at bumalik sa pwesto niya nang nakayuko. Pahiya!

Lumapit naman si Edward sa akin at tinanong kung okay lang ako.

Oo tama ang basa niyo, si Edward ang nagsalita kanina at hindi si Khyle.

"Okay lang ako. You can go back to your seat now, thank you" nahihiya kong sambit.

Pagkatapos nun bumalik siya sa pwesto niya at nagsimula na ring magdiscuss ang teacher naming chismosa.

*Discuss

*Discuss

*Discuss

*Lunch!

Agad agad akong tumakbo palabas ng classroom nang nagring ang bell para hanapin si Khyle.

______

Hope you like it!

Vote & Comment

Enjoy Reading!

And Thank you for reading!

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon