CHAPTER 15: HATID SUNDO

21 6 3
                                    

ASHLEY's POV

"Ashley, let's go?" Aya ni James ng matapos kaming mag ayos sa aming sarili.

"Let's go!" Sagot ko naman.

*BEEP! BEEP!

"Sino yun?" Tanong ni James sa akin. Wala kasing kaming ineexpect na bisita ngayon.

Nag kibit balikat na lang ako.

Nagtungo kami palabas ng bahay upang masilip kung sino ang aming bisita.

0_0

Nagulat ako ng makita kung sino 'yun.

"Hello, James!" Maligayang bati niya. Mukhang gulat rin si James dahilang kung bakit hindi siya nakaimik agad.

"What are you doing here?" Tanong agad ni James ng makabawi siya sa pagkagulat. Naka cross arms pa siya.

"Ihahatid ko sa school ang soon to be girlfriend ko. May I?" Sabi niya. Ewan ko kung namamalikmata lang ako pero I saw him smirked at James.

"Pero kasabay niya akong pumasok sa school. And what do you mean by 'soon to be girlfriend'?" Nakakunot na sabi ni James

"Ako na sasabay sa kaniyang pumasok papuntang school since magkaklase lang kami... And by the way, if Ashley didn't inform you. I am courting Ashley Jane Fortalejo." Nakangiting sagot niya. Confident na confident siya na sasagutin ko siya.

Ako nga, hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya eh...

"Hindi ka pa nagpapaalam sa akin na manliligaw ka kay Ashley"

"Do I have to?" Pacute ni Khyle. Yes, Khyle. Obvious naman 'di ba? Siya lang naman manliligaw ko eh.

"Yes. May I ask why do you want to court Ashley?" Seryosong tanong ni James.

"Because I like her" simpleng sagot ni Khyle.

"What made you think that you like her?" Tanong ni James.

"I always want her happy and smilling. I want to be with her always. I want to hug her in my arms. And my heart beats fast whenever I'm with her. Is that enough to know that I like her?" Mahabang paliwanag ni Khyle.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Ganito pala feeling ng nililigawan. Matutuwa ka dahil alam mo na may nagkakagusto sa'yo at kayang harapin ang pamilya ko, although si James lang na man ang kailangan niyang harapin dahil si tita alam kong papayag yan basta gwapo.

"I guess that's enough" sabi ni James habang may patango tango pa. May binulong pa si James pero hindi ko naintindihan.

"So can we go now?" Tanong ni Khyle. Tumango naman si James

"Let's go?" Aya niya sa'kin tapos nilahad niya yung kamay niya, tinanggap ko naman.

"So kailan mo ako sasagutin? Malapit na ba?" Nakangisi niyang tanong.

"Sasagutin pa ba kita? Akala ko 'di na. Kailangan pa ba?"
Biro ko. Nagpout naman siya. Ang cute niya talaga! Sarap gawing teddy bear!

"Joke lang! Papacute ka pa eh!" Natatawa kong sabi.

"Cute na naman talaga ako eh" sabi naman niya.

"Oo nga." Mahina kong bulong.

"Andito na tayo" sabi niya pagkaparada niya ng kotse niya.

Bumaba siya na parang nagmamadali. Bubuksan ko na sana yung pinto sa side ko ng naunahan niya akong buksan yun.

"Syepre dapat gentleman ang manliligaw mo. Para dagdag pogi points" nakangiti niya sabi.

Hindi ko maiwasang maalala si Edward nung naging kadate ko siya sa party.

"Syempre dapat gentleman ang date mo"

Tigil! Feeling ko nagtataksil ako kay Khyle. Kasama ko nga siya na sa iba naman yung isip ko.

'Nanliligaw pa lang naman siya eh. Hindi pa naman kayo. 'Wag ka na namang feeling. Kung gusto mo sagutin mo na' sabi sa isip ko.

Tss. Kaya ko nga siya pinayagang manligaw para mafeel ko kung ano ang feeling ng nililigawan. Ano yun? Wala pa nga'ng dalawang araw sasagutin ko na agad? Pahirapan naman natin ng slight.

"Yah! Ang tulala ka na dyan! Kanina pa kita tinatawag!"

"Ay! Pahirapan!" Gulat kong sambit. Kumunot naman yung noo niya sa nasabi ko

"Anong pahirapan?" Nakakunot niyang tanong.

"Ah... w-wala yun! May napanood lang kasi ako kahapon tapos naalala ko lang. Oo tama ayun yun!" Grabe! Anong klaseng paliwanag yun?! Malamang tanga lang maniniwala dun, unless kung tanga siya.

He just nodded at me even though he doesn't look convinced.

Habang na sa klase, nakatitig lang ako kay Khyle. Sayang talaga tuition fee ko dito.

Nakakapanibago kasi siya, kanina pa ang tahimik. Mukhang may iniisip.

"Khyle!" Tawag ko sa kaniya.

"Ay, Ashley!" Gulat niyang sambit.

"Hoy! Anong Ashley? Naku! Nakakatouch ka naman! Hanggang sa isip mo, ako pa rin na sa isip mo. Yiieee!" Pang aasar ko.

Namula naman siya.

"Hala! Hala! Hala! Tama ba 'tong nakikita ko? Isang Khyle Ivan Scott, namumula? Yiiee! Ang cute mo talaga!"

"H-hindi naman ako n-namumula eh!" Tanggi niya.

"Bakit? Nakikita mo ba yung mukha mo ngayon? Tsaka ayaw mo nun, ang cute mo?"

"Cute naman talaga ako eh. Natural na yun" pagmamayabang niya.

"Biglang humangin! Saglit lang, baka matangay ako" natatawa kong sabi.

"Ms. Fortalejo and Mr. Scott! Get out of my class! Kanina pa kayo sinasaway, parang wala kayong naririnig! Mamaya na kayo maglandian!" Galit na sigaw ng teacher namin.

Nagulat naman kami kaya agad kaming lumabas ng classroom.

"Bakit parang wala naman akong narinig kanina na sinisita niya tayo?" Taka kong tanong ng makalabas kami.

Nagkibit balikat lang siya.

"Hatid na kita sa inyo? Tutal last subject na naman ito"

"Sige"

Tahimik kaming nakarating sa bahay namin dahil napagod kami sa kulitan namin kanina.

"Bye" paalam ko sa kanya.

"Bye! I love you!" Sabi tapos bigla na lang nawala ng parang bula.

__________

Hope you like it!

Vote & Comment

Enjoy Reading!

And Thank you for reading!

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon