ASHLEY's POV
Habang kumakain kami ni Khyle ng lunch namin, 'di ko maiwasang maguilty sa pagsisinungaling ko sa kanya.
Feeling ko ang sama sama kong tao kahit na nagsinungaling lang naman ako sa boyfriend ko. Alam ko marami ring nagsisinungaling minsan sa boyfriend nila.
"Ai, may problema ba?" Tanong ni Khyle sa akin.
Sabihin ko kaya sa kanya? Huwag na lang muna. Baka mag away kami at baka hindi na ako pabalikin pa dun.
"W-wala. May iniisip lang ako," sagot ko. Kahit meron naman talaga.
"Yung panget na 'yun ba?" Nakakunot noo niyang sabi. Kumunot noo rin ako dahil 'di ko alam kung sino ang tinutukoy niya.
"Sino?"
"Yung dati mong crush na ang panget naman" napairap niyang sagot.
Moody? Red days ba siya ngayon?
Napairap na lang rin ako sa kanya. "Grabe ka naman makapanget sa kuya mo! Pati hindi naman siya ang iniisip ko kundi ikaw. Kaya 'wag ka ng mag inarte, 'di bagay sa'yo! Nagmumukha kang tanga'ng nag iinarte sa wala" sabat ko naman sa kanya.
"Wala naman akong sinasabi'ng si Edward yun e." Mapait siyang ngumiti. Nagulat ako dahil unti unti kong narealize na wala nga siyang minention na pangalan pero siya pa rin ang nasabi ko.
Pero 'di naman talaga siya yung iniisip ko e.
"D-dahil siya lang naman ang naging crush ko at siya lang rin naman ang sinasabihan mo ng panget" pagdadahilan ko.
Natahimik naman siya.
Nagpatuloy kaming kumain dahil wala nang umimik sa amin.
"Bessy! I need to talk to you." Biglaang pagsulpot ni Chloe tapos hinila ako mula sa pagkakaupo.
"May I borrow her for a minute?" Tanong ni Chloe pero hindi na niya hinintay ang sagot ni Khyle dahil agad rin niya akong hinila papalayo kay Khyle.
'Di pa ako tapos kumain e!
"Ano bang pag uusapan natin? Bakit kailangan pang lumayo kay Khyle?" Tanong ko sa kanya na may halong inis.
Huminto siya sa pagkakahila sa akin at humarap sa direksyon ko.
"Sino ang roommate mo?" Seryoso niyang tanong.
"W-wala pa n-nga siya d-diba?" Nauutal kong sagot sa kanya.
Mukhang alam niya na kung sino iyon.
"Magsinungaling ka na sa lahat, 'wag lang sa'kin dahil malalaman ko agad kung nagsisinungaling ka o hindi kaya magsabi ka ng totoo" seryoso niya pa ring sabi.
"Fine. Si Edward, siya ang roommate ko pero hindi naman big deal dun 'di ba?" Pag amin ko.
"Kung hindi 'yun bigdeal, bakit mo kailangan magsinungaling? Kasi kung hindi big deal yun, hindi mo na kailangang magsinungaling dahil wala ka rin mapapala sa pagsisinungaling mo kung hindi big deal 'yun"
"Oo na! Big deal yun! So what? May magagawa ka ba? 'Di ba wala rin? Ano pang sense kung sabihin ko sa iyo? Pabida ka masyado" inis kong sabi. Nagulat naman siya sa nasabi ko, kahit ako nagulat sa nasabi ko dahil 'di ko ineexpect na masasabi ko sa kanya yun.
Nakita ko ang namumuong luha sa mata niya na isang kurap lang ng mata niya ay magsisilabasan ang mga luha niya.
"Wala nga naman akong magagawa dahil ako'y isang kaibigan mo lamang. Wala nga pala akong karapatang tulungan ka sa problema mo. Isa lang naman akong kaibigan mo na nagmamalasakit sa'yo, na nag aalala kung ano ang kahihinatnan ng pagsisinungaling mo sa boyfriend mo. Sorry ah. Nakalimutan ko" sabi niya habang nag uunahang tumulo ang luha niya.

BINABASA MO ANG
Secret Love
Teen FictionAshley Fortalejo, Ang babaeng inlove na inlove kay Edward Scott Pero wala siyang lakas na loob para sabihin yun sa kanya But what if their feelings are the same but they are both scared tell What should they do? Tell what they feel or just do no...