CHAPTER 13: CONFESSION

13 6 3
                                    

ASHLEY's POV

"Can we meet later at the rooftop? Lunch?" Bungad ni Khyle pagpasok ko pa lang sa classroom.

"Bakit?"

"May importante akong sasabihin sa'yo" seryoso niyang sabi

Tumango na lang ako sa kanya at umupo na sa upuan ko.

Ano kaya sasabihin nito? Pwede naman niyang sabihin ngayon, since magkatabi katabi lang kami at mukhang seryoso siya sa sasabihin niya.

Buong klase, lutang ang utak ko. Muntik ng maka abot sa sun. Iniisip ko kung ano ang sasabihin niya mamaya. Nakakacurios!

Hanggang sa mag lunch na. Nag madali akong mag ayos ng gamit ko at agad na nagpunta sa rooftop.

Walang tao ng makarating ako sa rooftop.

Lunch na ah? Ba't wala pa siya? He should be here right now.

"Sorry, I'm late" bungad ni Khyle pag bukas niya ng pinto.

"Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ko ng mapansin kong tulo ng tulo yung pawis niya at hingal na hingal.

"T-tumakbo a-ako" hingal na hingal niyang sabi.

"Ano yang dala mo?" Turo ko sa plastic na dala niya.

"Pagkain. Tara kain tayo!" Sabi niya tapos nilabas niya yung pagkain sa plastic at binigay sa akin.

Lasagna!

"Ano nga pala sasabihin mo sa akin?" Tanong ko habang kumakain.

"Later. Pagkatapos nating kumain, I'll tell you" sagot naman ni Khyle.

Naman 'to! 'Di na lang sabihin. Dami niya pong alam! Pwede naman sabihin niya na ngayon.

Dahil dun, binilisan kong kumain. Excited lang.

"Yah! Papatayin mo ba sarili mo?! Mabubulunan ka dyan sa ginagawa mo eh!" Gulat na sambit ni Khyle ng makita niyang minadali ko ang pagkain ko.

"Tapos na akong kumain, ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko agad ng maubos ko yung pagkain ko.

"Saglit lang! Excited naman 'to! 'Di pa nga ako tapos kumain." Reklamo niya kaya pinagbigyan ko. Naghintay ako ng ilang minuto bago siya matapos.

"Oh ayan, okay na ba? Pwede mo na bang sabihin?" Na iinip kong sabi.

"A-ano... U-uhm... A-ano k-kasi..." na uutal niyang sabi.

"Ano ba kasi yun? Konti na lang mababatukan na talaga kita!" Inis kong sabi sa kanya.

"G-gusto kita! Mahal na nga ata e. Alam kong nagtataka ka dahil dalawang linggo pa lang tayo nagkakilala pero sabi nila walang pinipiling oras ang pagmamahal, bigla bigla na lang daw yun magpaparamdam. K-kaya p-pwede bang m-manl-ligaw?"

"... t-ta-tatawa na b-ba a-ko?" Na uutal kong tanong.

Tumingin siyang diretso sa akin, kitang kita na seryoso siya sa sinasabi niya.

"Seryoso ako. Sana pagbigyan mo ako."

"A-ah... e-eh... " paano ba 'to?! Naman oh! Gusto ko rin ba siya? Hindi ko alam! Nakakapressure naman 'to!

"Hindi mo kaylangang sagutin yun ngayon. I'm willing to wait. It's okay if your answer is no but please, consider my feeling" tapos bigla na lang siyang umalis.

Galing! Hindi man lang niligpit yung pinagkainan niya. Iniwan pa ako mag isa dito.

Sasagutin ko ba siya? Kaso baka umasa lang siya sa wala. Gusto ko si Edward na kapatid niya pero ayoko rin naman siyang saktan.

'Akala mo naman tinatanong ka na kung pwedeng maging kayo. Papaalala ko lang nagtatanong pa lang siya kung pwedeng manligaw 'wag kang feeling.'

Sabi ko nga.

__________

A very Short update.

Hope you like it!

Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon