ASHLEY'S POV
"Ai ko! "
"Ashley!"
"Hey!"
Nagulat ako nang marinig ko ang paulit ulit na tawag sa akin ni Khyle.
"a-ahh... Bakit?" nagtataka kong tanong.
"kanina pa kita tinatawag pero mukhang busy ka sa kakatitig sa iba... Sabi ko date tayo pero mukhang busy ka, huwag na lang" aniya ni Khyle
Mukhang nagtatampo na naman si Ai ko.
Dati kapag nagtatampo siya, natutuwa ako pero ngayon, parang malinis at natitira ako sa kanya?
Bakit parang nagbabago na ang nararamdaman ko--wait, let me rephrase that. Hindi pala nagbabago, bumabalik lang sa dati. Pero bakit ganito? Kung Kelan maayos na kami tsaka pa ako nagkakaganito.
Bakit ba kasi ang hirap ng buhay? Papansin di tadhana eh!
Kung ano ano na tuloy na sasabi ko sa isip ko.
"sorry... May iniisip lang ako"
Fortunately, may dala akong extrang damit in case of emergency.
"hinatiyin mo ako, mag bibihis lang ako, magdedate pa tayo" paalam ko tapos nagmamadali akong pumunta patungong rest room para makapagbihis.
Nang matapos akong magbihis, agad agad akong nagtungo sa kinaroroonan ni Khyle at baka iwan ako nun, nagtatampo pa naman.
Buti na lang ay nakita ko siyang nakatayo sa pwesto niya kanina nang iwan ko siya.
Katatapos lang ng unang klase namin kaya magkacutting classes kami. Bad influence kasi siya. Char! Ako talaga nagsuggest nun since nagtatampo siya at kailangan lambingin ng onti.
"saan tayo Pupunta?" tanong ko pero di niya ako sinagot. Nagtatampo pa rin ata.
"Khyle.. Sorry na.. Please.. " sabi ko habang nagpapacute. Alam ko namang hindi niya ako matitiis. Cute ko daw kasi.
"sige na nga " sabi ni Khyle at bigla na lamang pinigil ang pisngi ko.
"Aray! Ayoko na! Peace na tayo.. Mashakit! " sigaw ko nang mas lalo pa niyang Diliman ang pagpisil sa pisngi ko.
"ang cute cute mo talaga" sabi niya habang pinanggigilan ang pisngi ko. Sabi sa inyo ang cute ko e!
Pagtapos niyang panggigilan ang pisngi ko, dali dali akong naghanap ng salamin sa bag ko.
"Waaaaah! Sobrang pula na! Nakakainis ka!" Anya ko at pinagpapalo siya sa dibdib niyang napakatigas na parang sing tigas ng bato. Yung abs niya rin kaya, sing tigas ng bato?
Waaaah! Anyare sa utak ko?! Hindi naman ako ganito magisip dati eh!
Napatigil lang ako sa pagpalo sa matitigas niyang dibdib ng hawakan niya ang mga kamay ko para patigilin ako sa pagpalo sa kaniya.
"Tama na yan. Chansing ka na e. Huwag kang magalala mamaya hahayaan kitang hawakan mo dibdib ko kasama na ang abs ko. Unlimited pa" sabi niya sabay kindat. Signature pose niya daw yung kindat e.
Grabe sobrang pula ng mukha ko sa pinagaasabi niya. Yung kaninang mapulang pisngi ko, lalong pumula dahil sa sinabi niya. Ewan ko kung paano nangyari yun pero mas lalo siyang pumula
"Tara na nga! Ang sakit na ng pisngi ko e" pagaaya ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi na nagpadagdag ng sakit pero hindi naman siya sobrang sakit.
Pagtapos ay nilapat niya ang labi niya sa pisngi ko.
"Ayan. Masakit pa ba? Mamaya gagaling na yan." Nakangiting sabi ni Khyle pagtapps halikan ang pisngi ko.
Tumango na lang ako na para bang wala lang sa'kin yung halik niya pero deep inside, kilig na kilig ako.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"it's a surprise" sagot naman niya.
"siguraduhin mo lang na masusurprise mo ako," sabi ko.
"I hope," bulong ni Khyle pero rinig ko naman.
Sumakay sila sa kotse ni Khyle at natulog ako buong biyahe dahil inaantok pa ako.
Ginising ako ni Khyle at sinabing nandito na kami sa destinasyon namin.
Nilagyan niya ako ng blind fold sa mata para daw sa surprise kuno
Inaalalayan niya akong maglakad papunta sa kung saan. Hanggang sa mapatigil kami sa paglalakad.
"In count of three, you can take off the blind fold" bulong niya at bumilang naman ako ng tatlo at dahan dahang tinanggal ang blind fold.
Ang una kong nakita ay ang madilim na lugar pero hindi rin nagtagal ay unti unting nagsindi ang mga ilaw. Christmas lights to be exact which reminds me of someone.
As crazy as it may be but that christmas lights reminds me of him, with me, together. Weird, I'm with Khyle but my mind is with him and why is that?
I don't get it. I am already moved on but why am I being like this?
"hey!" Khyle.
"b-bakit?" tanong ko.
"Kanina pa kita tinatawag pero mukhang lutang na naman ang utak mo" sabi niya habang nakanguso. Idol niya daw kasi si donald duck kaya pati nguso niya ginagaya😂 tawa po kayo, joke yun.
"Sorry, na amaze lang ako sa lugar na'to. Ikaw ba may gawa nito?" Pagiiba ko ng usapan.
Maganda naman talaga ang lugar na pinuntahan nila. Lugar na puro puno na sinabitan ng Christmas lights, ang sahig ay puro petals ng bulaklak at sa gitna ng lugar na yun ay may lamesang pabilog at dalawang upuan at napakaraming pagkain na nakapatong sa lamesa. Such a romantic place to have a date.
"Oo. Ako gumawa niyan kaya kumain na tayo dahil alam kong gutom ka na." sabi ni Khyle.
As if on cue, bigla na lang tumunog ang tyan ko, meaning gutom na talaga ako.
Tahimik lang kaming kumain dahil pareho silang gutom kaya kain lang kami ng kain.
Nang matapos kaming kumain ay napagdesisyonan namin na umuwi na dahil pagod na kami. Ewan ko nga kung bakit kami napagod e puro kain lang naman ang ginawa namin.
_____
A/n: BTW, saan team kayo? Team AshWard o Team Khyley?Hope you like it!
Vote & Comment
Enjoy Reading!
And Thank you for reading!

BINABASA MO ANG
Secret Love
Teen FictionAshley Fortalejo, Ang babaeng inlove na inlove kay Edward Scott Pero wala siyang lakas na loob para sabihin yun sa kanya But what if their feelings are the same but they are both scared tell What should they do? Tell what they feel or just do no...