[31]finding maddison lee

1.3K 40 0
                                    


"Tabi!!." Panay sigaw at sunod sunod na pag Busina ang ginagawa ni fourth, siya ang pinaka mabilis mag drive sa lahat ng bodyguards ni Maddy.

Hobby niya kasi ang ibat ibang klase ng racing.

Motor man o kotse.

Sinamantala ng mga lalaki ang dilim ng daraanan dahil mag ala una palang ng magaling araw, maraming mga bus at vans na byahe papunta probinsya ang nakakasalubong nila.

Nagulat sila ng biglang iliko ng kotse ng itim ang sasakyan sa isang pababang bangin.

"Shit!." Napapamurang sigaw ni fourth bago mag drift.

"Susundan mo ba talaga yung kotse don?.". Tanong ni uno, na halatang nangangamba.

"Kumapit kayong maigi Hindi natin pwedeng hayaan ang mga hayup na yun kunin si lady satin!."

"Ahhh!."

Sigaw nila nang pikitmatang sugurin din ni fourth ang pababang daan.

Malubak at maraming bato, koNting pagkakamali ay maaring tumaob sila sa lakas ng impact pababa.

"Wag mong sabihing."

Nang makababa na sila ay halos magkandarapa silang takbuhin ang mga lalaki pero huli na ang lahat.

Kumakaway pa ang tatlong lalaki mula sa malayong parte ng dagat sakay nila mula sa de motor na bangka ang dalagang walang Malay.

"Lady mad~

"Hindi.. Ada! Ada!." Sigaw ni night na tumatakbo papunta sa dagat, awat awat siya nila tres habang sumisigaw at umiiyak.

"Ada!!! Ibalik Niyo siya sakin!! Ada!! Ada!! Baby!!."

Napasinghap si Uno at pinipigilang umiyak.

Nakita niya ang mabilis na pagtaas baba ng mga balikat ni fourth habang nakatalikod ito, marahil atly umiiyak rin.

Madilim ang paligid at walang kahit isang bangka silang makita.

May naka lagay pang signage na bawal ang magisda at lalung lalo ang pagligo doon.

..

Gamit ang yaman ng mga Monte Cruz , ginalugad nila ang lugar sa paligid ng karagatan na malapit sa mansion, inisa isa ang bawat tahanan, maliit man o malaki.

Nag pa skill na din sila ng litrato ni Maddison at sinasabing bibigyan nang Sampung Milyon ang sino man na makapag turo kung nasaan ang kanilang apo.

Gamit ang media connections, kahit mula sa magkalabang istasyon sila maddy at Shayne, madali niyang na I announce sa kaniyang daily show ang pagkawala ng pinsan at pati nadin ang reward para sa mga makapagtuturo kung nasaan ito.

Kitang kita sa mga mata Ni Shayne ang pag nanais na muling makapiling ang pinsan niya.

Pati ang nga kasamahan ni Maddy na co-models niya , and friends mula sa ibat ibang bansa ay nanawagan gamit ang social media.

Nagpatawag nang mga press ang papi niya, which is hanggang ngayon ay very effective padin sa mga Tao sa dami nang natulungan nito nuong siya ay mayor pa sa lugar nila.

Siya lang yata ang mayor na walang kaaway.

Dahil sa magaling siyang mamuno at makisama.

Nagsimula lang naman silang magkaroon ng mga kaaway sa politiko gawa nadin ng mga paninira nung iba na ang humalili sa pwesto niya.

.

Inilapag ni Shayne sa mesa ang niluto niyang hotdogs.

"Sabi ni Maddy, paborito mo ang mga Yan.. kain kana ?." Umupo siya sa harap ni Andrei habang busy ito sa pag c cellphone. Tinititigan lang nito ang mga pictures sa gallery niya.

Meant For You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon