[19]dapat ako lang

1.4K 39 0
                                    

Chapter
nineteen

Andrei Typed

Labnat meaning ..

Loading..

Loading...

Loading....

Loading.....

0 results found..

Sabi sa Google search.

bakit sabi nila ay halos lahat ng gusto mong malaman ay sasagutin ng Google para sayo.

Dapat Hindi Google ang app na ginawa nila, paano kaya magrereklamo sa gumawa ng google?
Pinapatawa naman nila ako eh mas madami pang alam si ada.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama ni ada.

Sabi niya kasi dito lang daw ako at mag-pahinga.

Hindi ko yata kakayanin.

Kailangan ko siyang makita ng di niya nalalaman.

Bumangon ako at nagpunta ng banyo.

Ito ang unang beses na gagamit ako ng banyo niya, madalas kasi ako Kay ynigo.

Sa totoo lang dun talaga ako palagi dahil Hindi naman talaga dapat magkasama sa iisang silid ang Hindi magkasintahan.

Magkasintahan kaya sila vamp at ada? Napahawak ako sa dibdib ko.

Kumikirot nanaman siya.

Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang repleksyon ko,
Dati ay mahaba ang buhok ko, hanggang balikat.

Pinagupitan ni ada kaya naman daw bumata at malinis akong tingnan.

Inisa isa Kong basahin ang mga bote dito sa banyo niya.

Napakarami namang mga Sabon dito iba ibang Amoy ng bubble bath.

May mga rosas din sa bathtub niya.

Si Ynigo din ay may bathtub sa unit niya.

Pero iba ang bango ng banyo Ni ada.

Kahit paano ay naibsan ang sakit ng puso ko nang maamoy ko siya dito sa loob.

Kahit wala siya.

Kumindat kindat ako sa salamin.

Ano bang dapat Kong gawin?
Gusto ko kasing makita yung reaksyon sa mukha niya habang hinahampas din ako dahil sa kinindatan ko siya.

Napakasarap niyang titigan habang tumatawa.

Pagkatapos Kong maligo ay nag bihis na  ako.

Kailangan Hindi niya ako makilala.

Ano kayang gagawin ko.

Naalala ko nga pala.

May binili siya sa king suit and tie, ganun kasi manamit si vamp.

Sigurado Kong magugustuhan niya din kapag ako ang nagsuot at lalung di niya iisipin na ako ito dahil di ko naman hilig ang magsuot ng office attire. Nabasa ko sa internet yun.

Sobrang nagbago ang itsura ko.

"Good afternoon."
Pag eensayo ko kung paano mag ingles, sa palagay ko kasi ay mas madalas siyang mag ingles.

"I have an appointment with the CEO."
Kinisigan ko pa ang boses ko.

"Ayos." Ngumiti siya.

-
-

Meant For You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon