[16]ang sakit baby

1.7K 39 0
                                    

 chapter
Sixteen

nilagay ni Maddy ang bag ni andrei sa loob ng kwarto niya.

"Kapag wala ako dito ka Muna mag stay.. I mean.. dito ka muna sa condo ko yung unit ni ynigo nasa kabila lang, if ever na na bobored ka o wala kang magawa pwede mo siyang puntahan at katukin doon.
Tuwing gabi pwede ka din doon makituloy dipende sayo. Kaso medyo crowded na dun dahil si tres at four dun nadin natutulog kapag naman wala ang dalawang yun yung 3 ko namang BGs ang natutulog kasama niya."

"Hindi ba kailangan bantayan ka namin sa lahat ng oras kung ganon bakit wala kang bantay na dito natutulog sa iyong tahanan."

"This unit is very safe. I have emergency buttons and as you can see outside.. yung inilagay ko ang kamay ko. Its my finger print.. pwede din makapasok ang mga BGs ko if ever na merong problema."

"Uh.. oo nalang.. ang bilis mong magsalita, nahirapan akong umintindi maari mo ba Kong pahiramin ng mga aklat? Nang matutunan ko ang iyong mga salita."

"Ha.. ah eh.. hehe I don't read books. Uhm Hindi ako mahilig magbasa, mga wattpad stories lang ang binabasa ko.. bukod dun mga magazines." Alanganin siyang ngumiti.

"Kung ganoon. Si ynigo kaya."

"Hay ayan ka nanaman wala ka namang matututunan Kay ynigo. Puro kalokohan ang alam non."

"Hindi ah? Nang dahil sa kaniya naintindihan Kong ganito talaga kayo manamit dito sa lugar niyo kabaligtaran tumingin ang Tao.. mas maikli ang suot mas kaakit akit."

"Sabi ko na nga ba wala kang matututunang matino sa pinsan Kong yun."  She pouted.

"Hmm." Tahimik lang siya na pinapanuod si maddy na nag wawalis ng sahig.

"Ang tawag dito.. paglilinis."

"Alam ko nadin Yan. Masaya yang gawin."

"Huh! At pano mo nasabing masaya."
Pumamewang siya.

"Si ynigo madalas niyang ipagawa sakin Yan sa kwarto niya."

"Bwiset talaga yung ynigo na yun."

"Bwiset? Madalas niya ding itawag Yan sayo. Yun ba ang endearment niya sayo bilang pinsan.?" Maamong tanong niya sa dalaga na napahinto sa ginagawa.

"Makinig ka sakin.
Ang ginagawa ni ynigo sayo ay panamantala,
Ang pagwawalis ..
hayy oo masaya ito lalo na kung ginagawa mo ito sa sarili mong silid.. ngunit.. hay grabe ang hirap mag Tagalog ng malalim..
okay okay..  ngunit kung Hindi mo naman silid ang nililinisan mo ay Hindi iyon maaari, lalu na kung paulit ulit niyang ipinagagawa yun sayo.. ginagawa ka niyang alipin.. at yung bwiset.. isa yung masamang salita.. na sinasabi mo sa mga kaaway mo o taong Hindi mo makakasundo."

"Nag aaway kayo ni ynigo?."

"Oo dahil makulit siya." Simangot niya.

"Makulit?."

"Hindi sumusunod. Laging nang iinis at sinisira ang araw mo.?"

"Ahhh.. ikaw ba.?  Makulit ba ko?."

"Hindi no..Good boy ka kaya."

"Goodboy?."

"Oo.. mabait ka." Kinurot niya sa pisngi ang lalaki.

Ngumiti si Andrei. Tyaka napahawak sa kaniyang batok.

"Naku naku.. nagpapa cute ka nanaman diyan ha. Anong gusto mong kainin ipagluluto kita?."

"Kahit ano basta ikaw ang nagluto." Ngumiti siya sa dalaga.

"Naku.. baka naman mag selos o magdamdam sakin ang kasintahan mo niyan at ang takaw takaw mo sa pagkain na niluluto ko."

Meant For You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon