[42]ynigo find ways

1.4K 35 0
                                    

Nearly end..

Ynigo

Pa minsan minsan ay dinadalaw ko ang attic, sa kadahilanang pakiramdam ko ay doon nakakulong si Night, magmula nang bumalik si Maddy sa Newyork at ako naman ang humawak pansamantala ng business niya dito. Hindi ko padin nakakalimutang maglinis, kahit na minsan natatakot akong mag isa, isinasama ko si Jailyn, yung girlfriend kong baliw para tulungan akong maglinis at magsindi ng insenso dito.

"Night.. if only I know how to make you comeback, and if there's any other way.." nakita ko ang isang Diary dito Sa kahon. Martha Agatha.

Kinilabutan ako ng sobra.

Kasi mommy yun ni Maddy.

Nakita ko ang nakakaiyak nito at kahindik hindik na mga sekreto.

Hanggang sa may makita akong Nasulat sa likod ng last page ng diary.

New life
after life
back to life
Real life.

Baby andrei.

Hindi ko maintindihan?
Baby daw si Andrei?

Umiling nalang ako at ibinalik ang diary baka bigla akong multuhin dito, nagulat nalang ako ng may gumapang na ipis sa kamay ko.

"Ahhh! Ahhh!." Sigaw ko at hinatak ko palabas ang kamay ko.

Nagulat ako nang may isang booklet na kamukhang kamukha ng dating libro ni Maddy.

Small version? Pocket book ba ito!

I opened it, I kinda get scared kasi baka magliwanag at gaya ni night may kung sino ring lumabas dito.

Hanggang sa nakaisip ako ng paraan, with the help of my girlfriend isa isa niyang binasa ang bawat pahina ng librong iyon.

Hanggang sa bigla niya kong hatakin sa right side ng kwelyo ko at paghahampasin ang likod ko.

"Baby love! Baby love!."

"Aw aw! Ang brutal mo ah."

"Ito may nakita ako!."

"Ano yan?."

"Dahil totoong tao si Andrei at Hindi siya namatay dahil sa pagiging tao niya kungdi dahil sa pag ka sunog ng libro. Ang gagawin natin ay palalayain natin si Andrei mula sa libro!."

"paano eh sira na ang libro!?."

"Mr.Ynigo Lee hindi ka ba nanunuod ng mga fantasy movies!? Itong maliit na librong to, ito yung original copy, all we need to do is type this one into a bigger book. I pa bind and that's it!."

"Oh tapos?." Nakabusangot kong tingin sa girlfriend kong feeling matalino porke malawak ang imagination.

Pag mga ganitong bagay ang talino pag academics wala na. Ikaw kaya ipasok ko diyan sa libro.

I rolled my eyes secretly.

"We need her blood."

"What?."

"Kailangan natin ang dugo ni ate maddy, at ng dugo ng lola niya... Patayyy pano to!."

"Pano ko kukunan ng dugo si maddy e nasa newyork yon."

"Edi puntahan natin..?."

"At sa tingin mo makakapasok ka ng eroplano ng may dalang dugo.?."

"Diba may ari ng airline company yung si Kuya vamp." Napawow talaga ko sa bilis mag isip nitong gf ko.

Ibang klase pwedeng magsulat ng fantasy stories to.

"Base dito sa pag amin ni Martha Agatha, pinalabas niya lang na patay na ang mga mga magulang niya ngunit Hindi, sa palagay ko hanapin muna natin ang lola niya tutal mas malapit naman ito."

Meant For You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon