Warning ⚠ : The chapters of the story contains grammatical errors and typos. I'm sorry. The author is not perfect. Read at your own risk.
***
ABYGAIL STORM
Naglalakad lang ako habang patuloy na nilalakbay ang daan patungong Blue Academy. Hawak ang mapa na siyang tinitingnan ko bawat daan na tinatahak ko. Mahigit anim na oras na akong naglalakbay. Hindi pwedeng gumamit ng kapangyarihan. Dahil baka malaman ng mga kalaban na may isang white magic user na naglalakbay. Dahil hindi protektado ng paaralan ang mga kagubatan dito kaya wala itong barrier.
Hindi karin basta-bastang makakapag teleport papuntang Blue Academy dahil protektado nito ang paligid. Mahigpit ang seguridad ng paaralang iyon. Kaya hindi basta bastang makalapit o makapasok ang hindi nag-aaral doon.
Napaupo ako sa ilalim ng puno habang hinihingal sa paglalakad. Kinuha ko ang aking baon na tubig at ininom iyon. Pinaypayan ko rin ang sarili gamit ang aking palad. Mabuti nalang at walang masyadong wild animals dito. Para walang dagdag pagod.
“Damn this! Bakit ako pa kasi ang nautusan na maglakabay ng ganitong kalayo at lalakarin pa!” pagrereklamo ko at ng may mahawakan akong sanga ng kahoy ay agad ko iyong itinapon sa kung saan dahil sa inis.
“Tssssss! Tssssss!” napahinto ako ng makarinig ako ng parang tunog ng ahas kaya napalinga-linga ako. Napatingin ako sa mga gilid ko na baka may papatungong ahas.
“Tsssss! Tsssss!” nanigas ako ng mapagtanto nanggagaling ang tunog na iyon sa itaas ng aking kinauupuan. Holy mother of god!
Dahan-dahan kung inangat ng tingin kasabay ng pagkuha ko ng kunai sa boots na suot ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang ahas. Pu. Tang. Ina. Ang laki!
Mabilis akong napatayo at napaatras ng makita ko ang ahas. Patuloy parin ito sa pag-iingay. Nangtatawag ata ito ng kasama. Wag naman sana. Pagod na pagod na ako. Parang awa niyo na.
Kita ko kung paano bumaba sa puno ang ahas habang patuloy paring lumalabas ang dila nito. Kadiring ahas! Kaya dahan-dahan kung ibinalik ang kunai sa aking boots at tinitigan ng seryoso ang ahas.
Nagpagpag ako ng sarili at inayos ang dala-dala kong backpack na punong-puno ng mga gamit ko. Bago nilisan ang lugar na iyon. Pinabayaan ang ahas na nabalot ng yelo. Pareserve na muna iyon. Para fresh!
Mahigit tatlong oras pa ang nilakbay ko bago ako makarating sa gate ng Blue Academy. Ang masasabi ko napakaganda rito. Mula sa napakalaking gate nito na kulay ginto at may nakaukit na Blue Academy. May dalawang bantay rin ito dali-dali akong lumapit dito.
Mukhang naalarma ito na may paparating kaya tinutukan ako nito sa hawak nilang sandata.
“Sino ka?” malamig na tanong noong isang bantay habang ang talim ng tingin sakin.
“Ako ang tagapaghusga.” malamig ngunit seryoso kong sagot rito.
Kita ko kung paano kumunot ang kanilang mga noo.
“Hindi kami nagbibiro Miss. Just tell us who you are?” tanong naman noong isa. Lihim akong napangisi. Umuunlad si kuya.
“Ako si San Pedro.” malamig kong saad dito. Kita ko kung paano umawang ang labi ng dalawa kaya napatawa ako ng mahina.
BINABASA MO ANG
Blue Academy: A Girl Who Pretends To Be A Nobody
FantasyBLUE SERIES #1 Blue Academy- is the best school that magic users could get themselves into, on where the school was protected by their Goddess herself. Abygail Storm- is a cold heartless girl who enrolled herself into the academy. She was given a mi...