“Salamat sa pagtulong samin at pagbalik sigla sa syudad na 'to warriors at sa iyo narin Ms. Storm.”Tumango nalang ako sa sinabi ni Tito Kael.
“Ginagagalak namin kayong makilala lalo kana Abygail.” napatango na naman ako sa sinabi ni Mikael.
“Ako rin. Salamat iha. Kung hindi sa iyo malamang patay na kami ngayon.”
“Salamat rin Aby. Maraming salamat.”
“Sama-sama naman kaming iniligtas sila ah. Bakit siya lang pinapasalamatan.” rinig kong may bumulong.
Wala sa sariling napairap ako. Insecure people.
“Maari na kayong pumasok sa portal warriors. Maraming salamat.”
Nagsipasukan na naman ang mga kasamahan namin at nagpahuli kami ni Zen as I felt him held my hand.
They smiled. “Salamat sa iyo Mrs. Forrester.”nakangiting pasasalamat ni Tita.
Akmang magrereklamo sana ako ng hinila na ako ni Zen papasok. Dang!
Pagbagsak namin agad na bumungad samin ang nakangiting mukha ni Hm.
“Very good. You completed your mission. Pwede na kayong magpahinga.” nagagalak na sambit niya.
“Where's Stella and Stacey?” tanong ko. Napahinto si Hm.
“Kasama ang council. They're planning how to make the school barrier thicker.” simpleng sagot niya. Napatango-tango ako at naglakad na palabas ng Headmasters office.
FIONA KHEI AQUA
[2 DAYS PASSED]
Hindi ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang saya-saya ko. Finally he's gonna be mine.
Pakanta-kanta akong pumunta sa room namin. Hindi ko kasama ang warriors. Today is the first day that he's gonna be my fiancé.
Akmang papasok sana ako ng room ng makarinig ako ng malakas na pagbasag ng sa loob kaya dali-dali akong pumasok.
Kita ko kung paano sinira ni crust ang upuan ang mga table at ang board .
He's furious. I can sense it.
Nanatili lang ako. Hindi ako makagalaw. Natatakot ako. Hindi ko pa siya nakitang ganito kagalit rati.
“Where is Aqua?!” sigaw niya. Mabilis na napatingin sakin ang mga kaklase ko at ang warriors pati narin si Aby.
Mabilis na lumapit sakin si Crust at sinakal ako. Halos malagutan ako ng hininga.
“What did I told you?! I gave you a warning Aqua but still you disobey it. I even begged you not to do it. But you still did!” nanggigigil na sabi niya.
Pakiramdam kong umiba na ang kulay ko dahil nawawalan na ako ng hangin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sakin.
I looked at Aby with pleading eyes. Na para bang tulungan akong paamuhin si Crust. Pero pakiramdam ko hindi ata siya si Abygail Storm na kilala ko.
Her eyes were cold. Her face were blank.
“Answer me!” sigaw ni Crust sa pagmumukha ko.
“I—” napahawak ako sa leeg ko ng sa wakas ay binitawan niya rin ako.
I looked at Aby's direction. Wala na siya.
I looked at Crust. Sobrang pula ng mata niya. Para bang anong oras lang ay papatay siya.
BINABASA MO ANG
Blue Academy: A Girl Who Pretends To Be A Nobody
FantasyBLUE SERIES #1 Blue Academy- is the best school that magic users could get themselves into, on where the school was protected by their Goddess herself. Abygail Storm- is a cold heartless girl who enrolled herself into the academy. She was given a mi...