Blue 9

33.1K 851 12
                                    

ABYGAIL STORM

“Sure ka ba Aby na dito talaga yung daan palabas ng gubat?” pangwalong beses na tanong ni Fiona sakin yan.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad nalang. Mas mabuti pang hindi ko nalang siya sagutin kasi pareho rin naman ang sagot ko sakanya kanina. Puro tango. Diba ang bait ko?

“Aby we’re almost there na ba? My maleta is so bigat kasi.” napairap ako ng marinig ko ang boses ni Aira sa likod.

Sino ba kasing nagsabi na magdadala siya ng maleta while kami nakaback-pack. Hindi na siya nahiya samin.

“Aisht! It's so mabigat na talaga!” rinig kong sabi na naman niya.

“Aisht! It's so mabigat na telege.. ” dinig ko namang panggagaya ni Jarred sakanya.

“Argh! Shut up. Bakit di mo nalang ako tulungan na kargahin itong maleta ko?”

“Why would I? Sino ba nagsabing dalhin mo lahat ng damit na andoon sa closet mo?!” pabalik na sagot ni Jarred.

Dinig ko ang pagdabog ni Aira at isang iglap nasa unahan na namin siya ni Zen.

“I think were here.” anunsiyo ni Zen ng mapahinto kami sa may kalsada.

Meron namang sasakyang nagsidaan. Pero ang kukunti lang wala kaming masasakyan.

“Para tayong taong gubat nito. ” ani Nate. Kita ko ang pag-irap ni Aira at ang pag ‘tss’ nina Grey at Xian.

“Ikaw lang ang magmumukhang taong gubat rito Nate, ” saad ni Aira.

“Oo nga. Taong gubat ka Nate. Unggoy si Crust. Alien si Hangin. Dyosa si Aby, yelo sina Xian at Grey, maganda si Fiona atsaka gwapo si ako.” pagmamayabang ni Jarred.

“Tsk.”  napatingin ako sa katabi ko ng mag ' tsked' siya. Blanko ang mukha niya.

“Ilang oras na naman ba tayong maghihintay rito?” tanong iyon ni Xian.

I look at him. “Paparating na sundo natin.”

“What? May sundo tayo? Akala ko ba mortal world to? Bakit parang langit ata to at may sundo?” wala sa sariling napairap ako sa sinabi ni Aira.

Nasabi ko na ba na maganda ang bruhang to pero walang laman naman ang utak?

“Stupid.” harsh na sabi ni Grey.

Sabay-sabay kaming napatingin ng may sasakyang huminto sa tapat namin.

Biglang lumabas si Uncle George. Hindi ko siya kaano-ano pero Uncle tawag ko sakanya.

He immediately smile ng makita niya ako. “Wow. You're so beautiful Gail. Parang noon palang uhugin kapa.” aniya at humalakhak.

Humagikhik naman ang mga kasama ko. But not Crust. Seryoso siyang nakatingin kay Uncle G.

“Ipasok na pala natin yang gamit niyo sa back compartment.” tinulungan namin siyang ipasok ang mag bag. Bago kami umalis.

***

Nagising ako ng makaramdam ako ng parang may bumubuhat sakin. Hindi na ako nag-abalang imulat ang mga mata dahil sa amoy palang kilalang kilala ko na. It's Crust.

Blue Academy: A Girl Who Pretends To Be A NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon