Blue 17

25.8K 675 33
                                    

Nag-eempaki ako ngayon ng mga gamit ko. May misyon na naman kami at hindi ko alam kung ilang araw ang itatagal namin d'on.

Agad kong isinalukbit  ang di-gaano kalakihang bag pack na dala ko.

Naglakad ako palabas ng dorm ko ng makasalubong ko ang nagtatakang tingin nina Jazz.

“Maglalayas ka?” walang kwentang tanong ni Peach habang kumakain.

Inirapan ko siya. “Oo. Sawa nako sa buhay kung ito.” malamya kong sagot.

Nanlaki ang mata niya at biglang lumuhod sa harapan ko.

“Wag po! Wag na wag mong gawin yan. Hindi ka mapupunta sa langit kapag magbibigti ka by. Parang awa mo na.”

Napatulala ako sa sinabi niya. What the hell! Maglalayas tinanong niya diba? Bakit umabot sa bigti?

Mabilis ang hakbang kong binatukan siya ng malakas

“Aray!” daing niya.

“Tangina ka Prutas. Di ako magbibigti.” ani ko.

“By? The warriors are here.” napatingin ako kay Jazz.

“May bagong misyon na naman kayo?” taka niyang tanong. Tumango ako.

“Good luck by. Balik ka rito ha ‘yung humihinga.” tinapik ni Peach ang balikat ko at bumalik ng kain.

“Pasalubong ko ha?” pahabol niya.

Hindi ko siya pinansin at tiningnan si Jazz at tinanguan. Saka naglakad na palabas. Naabutan ko pa ng inip na inip na mukha ni Zen.

“What took you so long?” inis niyang bungad ng makita niya ako. I just shrugged. Malamang nag-ayos ako ng damit kaya natagalan.

Tiningnan ko ang bag ni Aira. Nakahinga ako ng maluwag. Thanks god hindi na maleta ang dala niya. Ngayon shoulder bag nalang. Alam niyo 'yun. Para lang siyang mag m-mall pero kagubatan pupuntahan namin. Baliw kasi ang babaeng 'to.

“Hey? Aira? Bakit ang liit lang na bag na dala mo?” tanong ko sakanya. Pinipigilan ang pagtawa.

Ramdam kong tumabi sakin si Grey.

Nilingon ako ni aira. “Bakit twinny? Cute ba? Ang cute no?” she giggled.

Napailing ako. “Bakit ang liit?” mahina kong tanong.

“Baliktad utak niyan.” biglang salita ni Grey sa tabi ko.

Nagtataka ko siyang tiningnan “Sino?” tanong ko.

Hindi siya sumagot sapagkat nagtungo siya sa tabi ni Xian.

.
.
.

“Maglalakad lang tayo?” rinig kong tanong ni Fiona habang dinadaanan namin ang daan ng kagubatan. Yung dinaanan ko papuntang academy. Di ko alam may shortcut pala. Nag longcut kasi ako eh. Malay ko bang meron n'on.

“Hi, twinny.” biglang sumulpot si Aira sa gilid ko at pinulupot ang kamay sa braso ko.

“Hands off!” napatingin kami kay Zen. Wala namang humawak sa kanya ah. Anong hands off?

“Baliw na si leader.” rinig kong bulong ni Aira kaya napahagikhik ako.

Baliw na nga talaga si Zen.

“I said hands off Aira!” napabitaw si Aira sakin. napalingon ako sa kanya na nanlaki na ang mga mata at di-makapaniwalang tiningnan ako.

“Hindi kita hinawakan leader.” gulat na gulat na sagot nito. Hindi umimik si Crust at hinila ako mula kay Aira. Nagtatakang tiningnan ako ni Aira.

Blue Academy: A Girl Who Pretends To Be A NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon