Blue 2

46.8K 1.3K 713
                                    

ABYGAIL STORM

Alas kwatro palang ng madaling araw ay naisipan kung mag exercise at magjogging para healthy lifestyle. Nagsuot ako ng itim na sports bra ng nike at isang itim na leggings together with my black nike shoes. At pinatungan ko rin ang sports bra ko ng isang black nike jacket.

Pansin niyong nike lahat ng gamit ko? Well pansin ko rin.Well nike rin pala panty ko. Kidding.

Kinuha ko ang headset ko at cellphone. Pinatugtug ko ang kantang No tears left to cry by Ariana Grandé at dahan-dahang naglakad palabas. Baka magising ang mga kasama ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagjogging habang nililibot ang paaralan. Hanggang sa napunta ako sa garden ata. Napatingin ako sa telepono ko at 4:45 na pala. So 30 minutes pala akong nagjogging. 4:15 kasi akong nagsimula.

Napatingin ako sa pangalan ng garden nakasabit sa puno.

Encantasia’s Gardenia’

Napakaganda naman rito. Napahinto ako sa paglilibot ng may nakita akong lalaki na nagpupush up. Seriously? Garden ginawang gym? Pwede narin naman. Napahinto ito at napabaling sa direksiyon ko.

Kahit medyo madilim pa ay kita ko ang maganda nitong mata. Naglakad ako patungo sa puno kung saan nakasabit ang pangalan ng garden at umupo sa ilalim noon at uminom ng tubig. Nanonood parin ako sa lalaking nagpupush up. Siya si ugly specie. Yung lakas maka stupid. Kala mo naman tatay ko.

Sinaksak ko sa tenga ko ang earphone dahil tinanggal ko kanina at nagpatugtug uli at ipinikit ang mga mata para magrelax.

Pero nagdaan ang ilang minuto ay napamulat ako ng naramdamang may tumabi sakin at kinuha ang hawak kong tubig at ininom iyon. Napatingin ako sa walangya!

“Sa 'yo yan?” mataray ngunit malamig kong tanong.

Instead of answering he just smirked at me at kinuha ang isang earphone na nakasalampak sa tenga ko.

Inis na tiningnan ko siya.

“Bro! Wala ka bang sariling earphone at phone.” reklamo ko rito. Hindi niya lang ako pinansin at ipinikit ang mga mata. Sarap bangasan ng lalaking ito.

“Your song is boring.” reklamo pa niya. Pinakinggan ko ang kanta at Because of you na pala ang kanta. Kapal ng mukha nito. Boring daw samantalang ang ganda ng meaning ng kantang iyan.

“Anong boring?! Wag ka ngang makinig kung naboboringan ka. Pake ko naman.” Inis kong sabi at kinuha sa kanya ang isang earphone. Inoff ko ang music at tinanggal sa pagkasaksak sa cellphone ko ang earphone.

Napatingin ako sakanya na titig na titig pala sakin.

“You have guts woman.” malamig niyang sabi.

I rolled my eyes in annoyance. “Tsk.”

Nagulat ako ng inilapit nito ang mukha sakin at tinitigan ang bawat anggulo ng mukha ko.

“I freaking hate your face.” straight to the point niyang sabi ng matapos niya akong titigan. Sumama ang mukha ko sa sinabi niya.

“Then don't look at my freaking face. If you freaking hate it.” malamig kung sagot sakanya. An unknown emotion flashed in his face, admiration or something that I can't pin point.

Blue Academy: A Girl Who Pretends To Be A NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon