Bukas na ang prom namin na kahit isa wala pang nag aaya saakin na maging ka date ko sa prom.
Ngayon ay nandito ako sa mall para mamili ng mga gagamitin ko para bukas.
Sa ngayon ay nakahanap na ako ng susuotin ko para bukas."Ah miss kukuwain ko na po ito"
"Ah may nagbayad na po niyan"
"Oh, kung may nakabayad na nyan bakit nakadisplay pa dyan?"
Nagulat ako dahil si liam ay nasa likod ko.
"Angge!!"
"H-huh anong gagawin mo dito??"Nagtataka ako dahil bakit nandon si liam sa mall na yun, ay siguro bibili din siya ng isusuot niya para bukas.
"Ako bumili niyan kasi.."
Hindi niya tinapos yung sasabihin niya, diko din alam kung bakit di na siya nakapag salita.
"Bakit mo binili yan?"nagtataka talaga ako dahil wala naman akong nalalaman na may nililigawan siya at kung meron man ang suwerte kasi ang ganda ng ireregalong dress sa babae na yun at sana ako na lang yung bibigyan niya.
"Para kasi sayo yan"
Nagulat ako sa sinabi niya at di ako makapaniwala na saakin niya ibibigay yan..
"H-huh wag nga ako iba na lang"
"Oo promise sayo talaga yan"
"Hindi naman ako pupunta eh"pambibiro ko kay liam.
"Huh? Bakit"
"Kasi wala akong ka date bukas"
"Huh? Anong pinagsasabi mo? Anong walang ka date? Pwede naman ako ah"
Nagulat nanaman ako sa sinabi niya at mas lalo akong kinilig este nagulat sa ginawa niya LUMUHOD SIYA SA HARAPAN KO at sinabing!!!
"Sana pumayag ka na ikaw ang ka date ko para bukas"at habang nag bublush siya..
"Why not?, Tumayo ka na nga diyan nakakahiya kaya!!"
"Talaga??"
"Oo nga!!!"
"YES, YES, YES!!, Salamat angge sa pagtanggap ah"
"Siyempre naman IDOL kita eh"
Sabay nagtawanan kaming dalawa kaya muka kaming tanga...
"Ah sir kukuwain niyo na po ba?"
Napatingin kami sa sales lady.
"Ah sorry po, sige kukuwain ko na po"
"Okay lang po ang cute nga eh"
Sabay ibinigay saamin yung dress.
"Ingat po kayo"(sales lady)
"Ingat din kayo"(liam)
Nakakain na kami at ngayon ay uuwi na kami para ayusin ang mga gagamitin bukas.