Chapter 12: Day 6

25 1 0
                                    

Nagising ako dahil nag pop yung messenger ko, kaya akala ko tumunog ng kung ano cellphone ko lang pala.
Lord thank you dahil nagising po ako sa araw na ito at makakapunta ako sa kaarawan ni clarissa.

(Chat)
"Angge pwede ba na dyan na lang tayo magparty kasi alam namin na bawal ka."

"Hmm.tanong ko muna kay mama baka kasi magalit eh."

"Sige angge, reply ka agad ah"

"Sige bye."

"Bye😘"

Hays salamat kasi dito sila mag paparty, wait?? Napayagan na ba ako ni mama eh hindi pa nga ako nakakapagtanong eh.
Paglabas ko ng bahay ng makita ko si mama na may kausap syang lalaki at parang kasi laki din ni papa, ay!!! Hindi kaya si papa yun Nooo!! Hinding hindi ako bababa kabullshit!!!

"Anak tara kain na tayo" habang kumakatok sa labas ng pintuan ko sa kuwarto.

"Ayoko po mama"

"Ahy anak.....hindi puwede na hindi ka kakain mas lalo kang magkakasakit."

"Okay na yun!, Kesa magpapakahirap ps kayo para sakin."

"Huwag ka nga magsalita ng ganyan"

"Basta... Hindi ako kakain"

Narinig ko na lang na bumaba si mama sa hagdanan kaya dahan dahan akong lumapit sa pintuan at unti - unti kong binubuksan at wala na nga sila mama pero paano yung kaarawan ni clarissa??hindi ako makakapagtanong kay mama kung puwede sila dito mag party.

Tumunog nanaman yung cellphone ko......

(Chat)

"Angge??"

"Oh!!"

"Galit ka ba??"

"Oo!! Kasi nandyan yung tatay kong bwiset!!!

"Uy!!anong pinagsasabi mo??? Tatay mo pa din yan TANGA!!"

"Oh! Anong gagawin ko sakanya?? WOW ha kala niya siya nagpalaki sakin, siya nag alaga sakin!!!, Hindi niya ba alam na si MAMA yung nagpakahirap?"

"Oo hindi siya yung nagpalaki sayo, nag alaga sayo, pero intindihin mo na lang sila tignan mo pag namatay yang PAPA mo iiyak ka din, kaya huwag mong sayangin yung oras na mahalin siya."

"Ang haba ng message ah mas mahaba pa sa message ko kanina😂😂"

"Siyempre ganern talaga."

"Usige na susubukan ko na magpaalam kay mama"

"Bye..."

"Bye din clarissa"

Nilakasan ko yung loob kong bumaba pero paano kung tanungin ako ni papa, paano kung kamustahin niya ako tapos hindi ko siya papansinin UGH bahala na kung ano mang mangyari basta magpapaalam ako kay mama tapos akyat agad.

Pababa na ako ng makita ako ni mama kaya napatulala ako dahil napatingin din saakin si papa.

"Anak tara sabay ka na saamin ng papa mo"

True friends VS. Fake friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon