5

477K 17.6K 3.3K
                                    

Chapter 5

"HAPPY BIRTHDAY!!!"

"Happy Valentines!" Pinisil ni Maricel ang pisngi ni Monmon. "Akalain mo, sabay sa araw ng mga puso ang birthday mo. Astig-astig mo talaga, Pogi-Liit!"

Meron kaming pansit na binili sa sa carenderia. Meron din kaming isang bote ng Pop Cola at tinapay na chocolate, sa ibabaw non ay may maliit na kandilang may sindi. Talagang pinaghandaan ko ang araw na ito.

Ito raw  ang araw ng tunay niyang kaarawan ayon sa kanya.

Nang matagpuan ko siya non ay magna-nine years old na siya, ngayon ay sampung taong gulang na siya. 

"Blow mo na, bunso." Nakangiting inilapit ko sa kanya ang tinapay na may kandila, iyon lang kasi ang nakayanan ko na kunwari ay cake niya.

Matagal bago niya hinihipan ang kandila. Parang naiilang pa siya na nanonood kami sa kanya ni Maricel.

"Para sa'yo." Inabot ko sa kanya ang matagal ko ng itinatagong regalo. Nong isang buwan ko pa ito nabili, sinikreto ko lang talaga sa kanya.

Nakakunot ang noo niya ng buksan niya ang balot ng regalo. Nagkakangitian kaming nagkatinginan ni Maricel. Pareho kaming excited sa magiging reaksyon ni Monmon.

"Nagustuhan mo ba, Pogi-Liit?" Naunang tanong ni Maricel. "Otsenta pesos ang bili ng ate mo diyan kaya ingatan mo iyan! 'Wag mong ipapahiram sa iba!"

"San ka kumuha ng pambili nito?" Tanong niya sa akin habang namimilog ang mga mata niya sa regalo ko sa kanyang Tamagochi.

"Sus, wag mo ng isipin iyon." Ginulo ko ang buhok niya. "Basta para sa'yo, lahat gagawin ko, bunso." Kiniss ko siya sa noo.

Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero masaya ako na makitang nagniningning ang mga mata niya. Tiyak na natuwa si Monmon sa regalo ko. Sulit ang ilang gabing pagpupuyat ko sa sapatusan ni Mr. Husik. At sa pagta-tiyaga ko sa kamanyakan ni Henry.

"Happy birthday, pogi!" Bati ulit ni Maricel kay Monmon. Iki-kiss niya rin sana si Monmon kaso mabilis na nakaiwas ang kapatid ko.

Natawa na lang ako sa reaksyon ni Maricel. Kandahaba ang nguso ng babaita. Si Monmon naman ay seryoso na ulit habang kinakalikot ang bago niyang Tamagochi. Siguro ito ang unang beses na nakahawak ng ganoong laruan ang kapatid ko.

"I love you, bunso." Masayang sabi ko sa kanya.

Umangat ang mukha niya at tumingin sa akin ang magaganda niyang mga mata. Hindi man niya sinagot ang sinabi ko, ramdam ko naman sa puso ko na mahal niya rin ako.

Magsisikap ako para sa kanya. Pipilitin kong maibigay ang pangangailangan niya sa abot ng makakaya ko. Kahit paunti-unti lang.

Kung noon ay nagda-dalawang isip na ako na tanggapin ang alok ni Mamshie, iyong bading na bugaw sa amin, ngayon ay hindi na. Siguro kailangan ko na talagang gawin ang lahat para mahango ko sa hirap si Monmon.

Hindi pwedeng lalaki siya na naririto pa rin kami sa ilalim ng tulay ng Quiapo nakatira. Gagawa ako ng paraan para makaalis kami ritong dalawa.

...

"OSANG, nililigawan ka ba ni X?"

Umiling ako. 

Hindi porket ako lang ang babaeng kinakausap ni X ay nililigawan niya na ako. May pakiramdam ako na hindi naman talaga ako gusto ng lalaking iyon, para bang may iba pang mas malalim na dahilan kung bakit ganoon niya na lang ako tingnan.

At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, dahil kahit hindi ako tinulungan non ni X nong datnan ako ng una kong buwanang dalaw, kahit hindi niya ako ibinili ng napkin ay magaan na talaga ang loob ko sa kanya.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon