Chapter 24
NAKASABIT sa bintana ko ang pantalon niya!
"Kapag di ka pa lumabas, isusunod ko na 'tong boxers ko!" Banta niya.
Lalong dumami ang hiyawan sa labas. Shit.
Kumakabog ang dibdib na lumapit ako sa bintana. Sinilip ko siya. Nakahubo nga ang talipandas!
Polo-shirt at boxers na lang ang suot ni Damon. Wala na ring sapatos, naka-medyas na lang. Gigil akong napasugod ako sa ibaba. Pagbukas ko ng pinto ay hinila ko na agad siya papasok.
"'Tapos na ang show magsipasok na kayo sa inyo!" Sabi ko sa mga kapit-bahay saka ko isinara ang pinto.
"Wew!" Napasalampak siya sa sofa. "Akala ko talaga maghuhubo na ako sa labas."
Inis ko siyang tiningnan. "Ano bang problema mo, ha?! Hindi mo na naiisip na pwedeng malagay sa headline ang ginawa mo sa labas kanina?!"
"Wala namang dumating na press, e. Saka madilim sa baba, di naman siguro nila ako namukhaan."
"Pasalamat ka matatanda ang mga kapit-bahay ko at di uso rito ang FB!" Humalukipkip ako. "Kung hindi mababansagan kang Burless King nang wala sa oras!"
"Don't make fun of me!" Paungol na reklamo niya. "Ikaw kasi, e. Kasalanan mo 'to."
"At ako pa, ha?"
Nilapitan niya ako at ikinulong ang mukha ko sa kanyang mainit na mga palad. "Bat ang ganda-ganda mo?"
Nag-init ang pisngi ko.
"'Tapos nagb-blush ka pa... mas gumaganda ka."
"W-wag mo na akong bolahin, pwede ba?!"
Iiwan ko sana siya kaso hindi niya binitawan ang kamay ko. Hinigit niya ako sa bewang sanhi para mapasubsob ako sa kanya.
"Damon..." Shit! Ayon na naman ang kakaibang pakiramdam. "Sandali nga, may gagawin ako bitawan mo ako-"
"Stay please..." humigpit ang yakap niya sa akin. "I missed your warmth."
Natulala ako sa kanya. Ngayon ko mas napasadahan ang mukha niya, ang mga mata niya, ang ilong, ang mga labi...
Ngayon alam ko na kung bakit galit sa akin si Maricel. Kahit sino namang babae ay magagalit sa akin. Maiinggit. Dahil kapiling ko ang lalaking ito...
Matagal na nakatulala lang ako sa kanya, ni hindi ko na namalayan kung ilang segundo na akong nakanganga habang nakatingala kay Damon. Narinig ko ang paglunok niya.
Binitawan niya ako saka niya ako tinalikuran. "Close your mouth, baka kung anong pumasok diyan."
Napakurap ako. Ano bang kalokohan na naman ang nangyayari sa akin?
Nang sundan ko si Damon sa kusina ay seryoso na siya habang nagkakalkal sa cup board ko.
"Kumain ka muna bago ka matulog." Walang emosyon na sabi niya. Bigla ay naging malamig siya.
Bakit? Naramdaman ba niya ang pagkaligalig ko? Tuloy gusto ko na lang matunaw sa kahihiyan.
...
HAPON na ng dumating si Jeremiah. Wala siyang dalang kahit ano ngayon maliban sa sarili niya.
"So kelan kaya tayo pwedeng lumabas?"
"Sasabihin ko na lang kung kelan di ako busy,"
"Okay. Just phone me na lang,"
Palabas na ako ng gate ng humabol siya sa akin. "Okay lang na na ihatid kita?"
Tatanggi sana ako pero napansin ko ang itim na kotse ni Damon sa tapat ng academe.
"S-sige..." nginitian ko si Jeremiah na ngayon ay abot na hanggang Tawi-Tawi ang ligaya.
Sabay kaming pumunta sa brand new BMW niya nang makita ko sa aking peripheral vision ang pag-ibis ni Damon sa Bugatti niya.
Sa tensyon ko ay natalisod ako sa bato. Mabuti na lang at agad akong nahawakan ni Jeremiah sa braso. "'You okay?"
Sasagot palang ako ng biglang tumilapon si Jeremiah. Nagkagulo ang mga sundo ng mga bata sa academe. Bago pa ako makapag-react ay may humila na sa kamay ko.
"Let's go, Jesusa." Matigas na sabi niya.
"D-Damon!" Gulat na sambit ko. Nasalo ko agad ang nagliliyab niyang mga mata.
Kinaladkad niya ako papunta sa kotse niya. Nilingon ko si Jeremiah na ngayon ay pinagkakaguluhan na ng mga miron. Duguan ang nguso nito habang nakatanaw sa amin ni Damon.
Hinihingal ako ng makasakay ako sa passenger's seat ng Bugatti sports car. Ni hindi ko na magawang mag-seat belt kaya siya na ang nagkabit nito sa akin. Ini-start niya ang sasakayan at pinahagibis ito.
"Bakit mo ginawa iyon?!" Bulyaw ko sa kanya ng makabawi na ako sa pagkabigla. "Bakit mo sinuntok iyong tao?!"
Hindi siya kumibo. Seryoso lang siya habang nagmamaneho.
"Bakit mo nga ginawa iyon?! And please, bagalan mo ang pagda-drive mo!" Mangiyak-ngiyak na ako.
Binagalan naman niya. Pero hindi pa rin siya nagsasalita. Okay, sige pagbibigyan ko siya. Nanahimik ako buong byahe. Inipon ko ang inis sa dibdib ko hanggang sa makauwi kami sa apartment ko.
Pagkarating sa sala ay hinarap ko si Damon. "Mag-explain ka ngayon din! Bakit ka basta nananakit! Bakit bigla ka na lang naging bayolente?!"
"Ako pa ang mag-e-explain?!" Mabalasik na balik niya sa akin. Kung galit ako, mas galit siya.
"Ano bang problema mo?!"
"Ang alam ko ako ang tumira sa ibang bansa, pero bakit mas liberated ka yata sa akin?!"
"Ano kamo?!" Nanlaki ang butas ng ilong ko.
"Ikaw! Tama bang hayaan mo iyong lalaki na iyon na hawak-hawakan ka?!"
"Hawak-hawakan?!" Gilalas ako. Hindi ako makapaniwala.
"Yes, hinawakan ka niya! I saw him touching you! Pasalamat siya suntok lang ang natanggap niya sa akin!"
"My God! Damon, sa braso lang ako hinawakan dahil muntik na akong matumba!"
Sa gulat ko sa sinabi niya ay nasampal ko siya.
Galit siyang tumingin sa akin. "What is my problem?! What is my goddamn problem?!" Sigaw niya na halos lumabas na ang litid sa kanyang leeg.
Napaurong ako sa nakikita kong galit sa mga mata niya.
"Yes!" Sinikap kong tatagan ang aking sarili. "What the hell is your problem?! Bakit ba nagkakaganyan ka?! Bakit bayolente ka?!"
"Because I don't want other guys touching you!"
Natameme ako.
Lumamlam ang mga mata ni Damon at bigla siyang umamo. "You know why?"
"W-why?"
"Kasi ang gusto ko, akin ka lang..."
JAMILLEFUMAH
@JFstories
BINABASA MO ANG
Trapped With Him
RomanceJesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her life has changed from that moment on. She's indebted to him and greatly appreciates his clan's suppo...