Chapter 15
"TITO SANTI?"Pumasok ako sa loob ng kuwarto nila matapos kong kumatok. Nakangiti siya ng pagbuksan ako ng pinto.
"Pasok ka, Jessie. Kara's inside."
Nasa kama na si Tita Kara, at katulad nang palagi, may nakaabang ng ngiti sa kanyang mga labi. "Yes, Jessie?"
"Good evening po. Sorry po sa istorbo..."
"It's okay. Halika..." pinagpag niya ang tabi niya.
Nahihiya akong lumapit at naupo sa gilid ng kama nilang mag-asawa.
"May hihilingin po sana ako,"
"Ano iyon?" Si Tito Santi na nakatayo sa harapan ko.
"Okay lang po ba na..." lumunok ako. "Wag na lang po niyo akong ampunin?"
"Huh?" Sabay pa sila.
"Ang ibig ko pong sabihin ay sana hindi na lang mapalitan ang apelyido ko. Gusto ko po sana na manatili akong Andrade. Iyon na lang po kasi ang naiwan sa akin ng mga magulang ko... ayoko po sanang palitan iyon."
"I understand you, hija." Tango ni Tita Kara. "And it's okay with us, right, hon?"
Tumango si Tito Santi. At hindi ko talaga maintidihan kung bakit may mga ngiti siya na tila kakaiba. Parang may meaning na ewan.
"Salamat po." Sabi ko na lang.
Nagsalita si Tito Santi. "Pero hindi magbabago ang alok namin na kupkupin ka at pag-aralin. I know na iyon din ang gusto ni Damon na gawin namin."
Damon... hay medyo nakakasanayan ko na rin ang pangalang Damon at hindi Monmon. Feeling ko mula ng matule iyon, lumaki na talaga agad. Pati pangalan naging pangalang binata na. Feeling ko tuloy nawalan ako ng baby.
"Hindi ka man naging Montemayor, isipin mo na parte ka na ng pamilyang ito." Hinaplos ni Tita Kara ang buhok ko. "Oh, how I love to have a daughter... and I'm happy na nasa amin ka na, Jessie."
"Maraming salamat po." Hindi matapos-tapos ang pasasalamat ko sa kanila.
Hindi lang basta kapatid ang napunta sa akin, kung pati na rin mga magulang. Sa isang iglap, may pamilya na ulit ako.
...
MATAPOS ang summer ay sumama ako pauwi sa probinsiya ng Dalisay. Dito nakatira ang mga Montemayor.
Lulang-lula ako sa unang beses kong tapak sa Hacienda Montemayor. Parang sa pantasya lang kasi nag-e-exist ang ganito kagandang lugar. Parang paraiso na walang katapusan.
Sa gitna niyon ay may malaking villa. Parang private subdivision na puro mansiyon ang nakatirik. Ibat-ibang yaring mansiyon. Doon nakatira ang angkan ni Damon, at doon din nakatirik ang bahay nila.
Sa bahay nila Damon— bahay namin ay may sarili akong kuwarto. Mas malaki kesa sa kuwarto ko ron sa condo nila sa Red Dragon Condominium at sa Deogracia Hotel sa Quezon City. Dito ay mas kompleto ang gamit ko. May sarili pa akong ref at TV.
Katulad nila Tita Kara, mababait din ang ibang kamag-anak ni Damon. Medyo masungit nga lang ang ibang pinsan niyang lalaki. Pero ang guguwapo at ang gaganda ng kanilang lahi. Parang mga artista!
Nang dumating ang pasukan ay sabay kaming in-enroll ni Damon. Pareho kaming Grade 6, isang acceleration test palang kasi ang nakukuha ko. Nagre-review pa ako para makaakyat ulit ng isa pang level. Sa private elementary school kami pareho kahit pa ilang beses akong nagpumilit na sana sa public school na lang ako ng Dalisay ipa-enroll. Ang kaso maganda man ang bagong buhay ko ngayon, pakiramdam ko naman ay lumalayo na ang loob sa akin ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Trapped With Him
RomanceJesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her life has changed from that moment on. She's indebted to him and greatly appreciates his clan's suppo...