Chapter 12
"WHERE is my son?!"Napatanga ako sa matangkad at guwapong lalaki na lumapit sa akin. Nakatingala ako sa kanya dahil napakatangkad niya. At mukha siyang artista!
Siya ba talaga ang tatay ni Monmon? Hindi ako makapaniwala.
Paano ba naman ay galing siya sa isang magarang sasakyan. At may mga kasunod siyang mga naka-unipormeng lalaki na may mga baril sa tagiliran. At ang suot niya, parang iyong mga damit na nakikita ko lang sa mga billboard na nakasabit sa itaas ng malalaking kalsada. Lalo na ang relo niyang pambisig na kumikinang sa dilim.
Natitiyak kong lahat ng nasa katawan niya ay hindi biro ang halaga.
Hindi mo pa iisipin na anak niya si Monmon kung di pa dahil sa mukha ng lalaki. Kamukha ito ni Monmon. Taglay kasi nito ang malalantik na pilik-mata ni Monmon, maging ang misteryosong mga mata. Magkasing tangos din ng ilong, magkasing kinis ng balat, bagamat bahagya ng nangitim sa araw si Monmon.
"Are you Maricel? The one who called my personal phone?"
Napatango ako kahit hindi ko gaanong naunawaan ang sinasabi niya.
Inilahad niya ang kamay sa akin. "Santi."
"Po?"
"I'm Santi Montemayor."
Montemayor? Napakurap ako. Saan ko nga ba narinig o nabasa ang pangalang iyon?
"Where is Damon? My son?"
"Si Damon po?" Napakurap ulit ako. Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala na ang taong ito ang tatay ni Pogi-Liit.
"Bring me to him, please? Matagal na namin siyang hinahanap mula nong tumakas siya sa yaya niya sa province."
"May yaya po si Monmon?"
"Yup. Magkasama sila sa province ng bigla siyang tumakas. Hindi namin alam na nawawala na pala siya kung hindi lang kami bumalik ng asawa ko sa Pilipinas."
"Ganon po ba..."
"Yes. I owe you, Maricel. Sabihin mo lang ang kahit anong kailangan mo and I will do my best para maibigay iyon sa'yo."
"Talaga po, Mr. Montemayor?" Nagningning ang mga mata ko.
"You can call me Kuya Santi."
Papasok na kami sa loob ng opistal ng may pumaradang puting sasakyan sa harapan namin. Nangunot ang noo ni Kuya Santi.
Bumaba mula sa puting sasakyan ang isang babae. Sexy ito at may maamong mukha. Agad itong lumapit sa amin.
"Kara?!"
Napanganga ako ng sapakin niya si Kuya Santi.
"What the fuck, Montemayor?!" Sigaw ng babaeng nangngangalang Kara.
"Kara I thought you're in Chicago—"
"Shut up! At bakit ako aalis ng bansa gayung hindi pa nakikita ang lakwatsero mong anak?!"
"I told you makikita rin siya. Kagaya ng madalas na nakikita natin siya kapag lumalayas siya!"
"Pero iba ngayon! Dalawang taon na mahigit na hindi bumabalik si Damon sa atin!"
"But he's contacting me!" Napakamot ng ulo si Kuya Santi. "Malapit nang lumabas iyong report ng mga tauhan ko na naghahanap sa kanya, when he suddenly called me on my personal phone. He said that he was safe and he was going home, so I should stop the search."
BINABASA MO ANG
Trapped With Him
RomanceJesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her life has changed from that moment on. She's indebted to him and greatly appreciates his clan's suppo...