Chapter 41
"ANONG GINAGAWA MO?!"
Itinapon niya ang diyaryo sa basurahan matapos bulatlatin at basahin. Tiningnan niya lang ako pero hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Obviously, I'm cleaning your house."
Hindi ako naniniwala. Malamang ay may nabasa na naman siya sa newspaper kaya pinag-iinitan niya iyon. Ang dami niya ng bawal ngayon. Tutal Sabado ay hindi ko na muna siya kino-kontra. Wala siyang magagawa kapag nagpilit ako na pumasok pa rin sa work sa Monday.
"Eat your lunch before 12 noon." Utos niya na parang isa akong paslit na kailangang paalalahanan.
Hindi ako kumibo.
"Umorder na ako ng merienda mo, it's in the ref. You don't need to go outside or to order para lang may makain ka mamaya. Wag mong basta-basta bubuksan ang pinto."
Mayamaya ay may kinuha siyang plastic bag sa gilid ng sofa. Inabot niya iyon sa akin.
"Ano iyan?"
Tumaas ang sulok ng bibig niya. "A book."
"Alam ko." Nakatingin ako sa itim na libro na bigay niya. "But why are you giving me this?"
"You're not allowed to leave the house, Jesusa." Mariin niyang sabi. "Ubusin mo ang oras mo sa pagbabasa. That's a good book, kikiligin ka."
Kumunot ang noo ko. "This is a horror story!"
Hindi niya pinasin ang sinabi ko. "I'm going to my company today. May emergency. I'll be back before five p.m. and I want you to be here when I get back. Understand?"
Hindi ako kumibo, nagkunwari akong busy sa pagbabasa ng libro na bigay niya. May tatak pa iyon ng National Book Store. Horror book iyon, the title is 'Insanus'. It's from the best selling author of the real life story of the dead girl 'Ara Santos'. Binasa ko ang blurb sa likod, hmn intriguing.
"You're not allowed to go outside."
"Just go away!" inis na utos ko sa kanya. Naupo ako sa sofa habang hawak ang libro.
Bago umalis ay lumuhod siya sa harapan ko at sinapo ang magkabila akong pisngi. Hindi na ako nakatutol ng bigla niyang akong halikan nang mariin.
"I repeat, Jesusa, you're not fucking allowed to go outside." Humihingal na sabi niya saka siya lumabas ng pinto.
...
NAKATINGIN ako sa nitso kung sana nakaukit ang pangalang Bonfred Andrade Jr. - si Bonbon. My real brother. Nang umalis si Damon ay umalis din ako, dito ako unang pumunta-sa sementeryo.
"Miss ka na ni Ate, bunso..." Lumuhod ako at hinaplos ang nitso.
Bago pa ako kupkupin ng pamilya ni Damon ay ipinalipat na namin sa private cemetery na ito ang labi ng pamilya ko. Ang nanay, tatay at itong bunso kong kapatid. Hindi na sila ngayon nagsisiksikan sa iisang hukay lang at walang maayos na lapida, dahil ngayon ay solo na nila ang bawat hukay at meorn na silang mamahaling lapida at may bubong pa ang mga puntod nila.
Ang palibot ng mga marmol na nitso ay puno ng mga mamahaling bulaklak at kandila. May sarili ring tagalinis ang mga puntod at may ilaw rin dito tuwing gabi. Malungkot akong napabuntong-hininga. At least kahit sa kamatayan ay maparanas ko sa pamilya ko ang karangyaan.
"Miss na miss ko na kayo nina Nanay at Tatay, bunso..." pinahid ko ang mga luha ko.
Habang inaalagaan ko si Damon, habang ibinubuhos ko sa kanya ang pag-aaruga at pagmamahal ng isang ate sa nakakabatang kapatid ay piping humihiling ang puso ko na sana ay naparamdam ko rin ang lahat ng iyon kay Bonbon...
BINABASA MO ANG
Trapped With Him
RomanceJesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her life has changed from that moment on. She's indebted to him and greatly appreciates his clan's suppo...