Chapter 30

619K 15.5K 8.2K
                                    

Chapter 30

"WHERE'S YOUR BLACK TICKET?"

Inabot ko ang black ticket sa maitre d'. Naririto ako ngayon sa Deogracia Hotel para sa event ng Black Omega Society. Nagsisimula na ang party, madilim ang paligid pero may mga ilaw ang pinaka stage.

Hila-hila ko ang gown ko. Simpleng gown lang ito, walang masyadong design pero backless. Kulay pastel pink. Iyong buhok ko naka-bun, tapos may lawit-lawit na konting bangs. Wala akong make up, pulbo lang saka lip-gloss. Sa upuan ay walang akong ginawa kundi magtingin-tingin sa paligid.

Ang daming richie here. Anyway, sanay naman ako sa richies kasi nga sampid ako sa mga Montemayor, di ba? Pero ilang pa rin talaga ako sa mga ganitong tao. Iyong mga nasa A-list... iyong mga elite, ang hirap kasi nilang i-please. Iyong tipong kahit may suot ka pang diamond sa katawan mo, maamoy at maaamoy ka pa rin nila na hindi ka ipinanganak with golden spoon. Ayaw nila ng yumaman lang dahil nagsikap o tumama sa lotto. Ang like nila ay iyong may ugat ang pinagmulan ng yaman. Iyong talagang from Alta Society.

"Bakit kasi nauto ako ni Damon na pumunta rito? Galit ako sa kanya pero nagpauto naman ako." Nangalumbaba ako sa mesa.

Itong event na ito ay for rich people at people from politics lang. Hindi ito pang masa na basta may pambili ka ng black ticket, gora ka na.

Mayamaya ay umusok na ang stage, ibig sabihin magpe-perform na ang mga panauhing pandangal! Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Why? Because the Black Omega Society members are from the elite fraternity. Alam nila iyon. Samahan ang mga ito ng mayayaman at makapagyarihang binata sa asya.

Nasa stage na ang lima. Rogue na nasa tapat ng mic, at ang apat na nasa bandang gilid at likuran. Umugong ang mahinang tilian ng mga babae sa paligid.

Kahit mga sosyal ay hindi nila maiwasang hindi mag-react. Matanda man, dalaga o byuda. At bakit hindi? May limang perpektong Adonis sa harapan namin.

They were all wearing a black polo and a fitted denim. They are very imposing and seemed godlike. Matatangkad sila, wala yatang bumaba sa anim na talampakan, malalakas ang aura. Nakakatunaw ang titig ng mga mata.

Gaano kami kaswerte dito para maranasan ang performance nila? Kahit sino ay nanaising mapunta sa kalagayan namin. They are the Black Omega Society for god's sake!

Pero kahit gaano kaperpekto ang mga lalaki sa stage ay mas kay Damon ako napatitig nang husto. Nakatingin din siya sa gawi ko habang inaayos niya ang mic sa harapan niya. He was the lead guitarist of the band, at kumakanta rin siya.

Mayamaya pa ay nagsimula na sila at nanahimik na ang paligid.

"If I give up on you I give up on me," It was Rogue Saavedra, the lead vocalist. "If we fight what's true, will we ever be. Even God himself and the faith I knew shouldn't hold me back, shouldn't keep me from you."

Napatuwid ako sa pagkakaupo ng bumuka ang mga labi ni Damon. Is he going to sing? Nasagot ang tanong ko ng marinig ang malamig at buo niyang tinig.

"Tease me, by holding out your hand. Then leave me, or take me as I am and live our lives, stigmatized..." sa akin nakapako ang mainit niyang paningin.

Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Alone?"

Napatingala ako sa lalaking huminto sa tabi ko. "D-Donatello?!"

"Hi!" Naupo siya sa tabi ko. "Fancy meeting you here, Jessie. Lalo kang gumanda."

"And you're dashing tonight..." Napangiti ako sa kanya. He's still handsome as ever.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon