Chapter 31
PAGMULAT ko ay bumaba na ako sa sala. Ang tahimik.
Malinis na malinis ang paligid. Naalala ko, naglinis nga pala ako kagabi bago ako natulog. Hindi kasi ako inantok agad kaya nagpakapagod muna ako. Napatingin ako sa sofa. Maayos na maayos din iyon. Walang nakasampay na pantalon, belt at polo. Maayos ang mga throwpillows, hindi lukot ang sapin. Kasi nga walang natulog don.
Napatingin naman ako sa center table, maayos din iyon. Walang nakapatong na wallet, relo at car keys. Kasi nga wala iyong may ari ng mga iyon.
Napailing ako saka pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng kape saka nagsalang ng sinaing.
"Shit! Bat ang dami ng sinaing ko?!" Napakamot ako sa ulo ng makitang puno iyong kaldero.
Oo nga pala ako lang ang tao rito maghapon. Ako lang din dito mamayang gabi. Nakakainis! Nong isang araw pa akong napapanisan ng pagkain, ah.
Bandang 1 p.m. ay super bored na ako.
Sa ka-boringan ko ay nag-send to all ako, nagyayaya ng layas. Malamang na maninibago ang mga nasa contacts ko kasi first time ko itong gawin. First time kong mag-GM. Ako kasi ang KJ since college, pero ngayon, heto at naghahanap ako ng mayayayang maglamyerda. Feeling ko kasi kung mag-isa lang akong gagala ay lalo lang akong mabo-bored.
Unang nag-reply si Maricel. Busy raw siya. Fashion show et cetera, et cetera. Teka, bat ba napadalhan ko siya ng message? Second is Hetty, she just sent me a question mark. May ilan namang ang layo sa putukan ng sagot, sukat bang ang reply sa "free? Gala us" ko ay "you with Voss Damon?" ang layo, di ba? Obviously they are not interested in me.
Nag-reply si Jeremiah, kwentuhan daw kami. Feeling ko hindi ko kaya. Baka after ay magbigti na ako dahil sa sobrang boring ang makipag-kuwentuhan sa kanya.
The rest ng tinext ko ay no reps na, kumbaga sa chat, seen zoned.
I spent the whole day looking at the ceiling. Wala, bored, e. Nag-Facebook na lang ako hanggang sa di ko namalayang 7 p.m. na pala.
Nakangudngod pa rin ako sa sofa habang nagb-browse ng newsfeed. Paulit-ulit lang naman iyong mga nakikita ko, pinagla-like ko na kahit hindi ka-like-like, may magawa lang. Napapitlag ako ng magbeep ang phone ko. Agad ko iyong dinampot para lang malumbay na si Honeylet ang nag-text.
Wait! Wait lang. So kung si Honeylet ang nag-text? May ini-expect ba akong iba? Wala 'no. Duh.
So I opened her message. Malamang quotes lang 'to o kaya chain message. Pero iba... Napanganga ako. Real na real ba 'to?
OMG. Mabilis kong hinanap ang sent items sa phone ko, ganon na lang ang pagkakanganga ko ng makita ko lahat ng sinendan ko ng message. Hay, ang engot ko talaga kahit kailan!
Madali akong umakyat sa itaas at naghanap ng isusuot. Isang skinny jeans, baby tee na kulay black ang kinuha ko saka iyong regalo sa akin ni Tita Kara na white Gucci shoes. Agad akong naligo. Pagkalabas ko ay nagbihis na agad ako saka lumabas ng bahay. Sa daan na ako magsusuklay.
Shit wala palang Internet. Nag-expired na pala iyong load ko kahapon sa BB. Ang hina pa ng signal kasi umulan kanina, no choice tuloy ako kundi mag-taxi na lang.
Pinara ko ang unang dumaan. "Taguig po."
"Add one hundred po, traffic po papunta ron, e."
"Sige," kuripot ako pero ngayon ay wala akong pakialam kahit add five hundred pa ang singil ng driver. Kailangan ko lang talagang umalis!
...
11 p.m. Bangag na ako sa usok at sa ingay ng paligid. Wala rin akong choice kundi umorder ng finger food at itong alak na kulay blue. Ano nga ba ulit 'to?
BINABASA MO ANG
Trapped With Him
RomanceJesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her life has changed from that moment on. She's indebted to him and greatly appreciates his clan's suppo...