18

490K 15.9K 5.6K
                                    

Chapter 18

TWENTY DAYS.

Mabigat na mabigat ang pakiramdam ko. Twenty days na mula ng umalis si Damon papunta ng Estados Unidos. Tumatawag man siya kay Tita Kara ay natataon naman na tulog ako, umalis o iyong nasa labas ng hacienda ang mama niya. Kaya mula ng umalis siya ay hindi pa talaga kami nakakapag-usap na dalawa.

Nanadya ba siya?

"Kumusta na po si Damon?" Hindi na ako nakatiis na hindi magtanong. Nasa sala si Tita Kara at nagbabasa ng news paper ng lapitan ko siya.

"He's doing good." Ngumiti sa akin ang mom ni Damon. "Nung tumawag si Santi, he said na nakapasa na raw si Damon sa entrance exam."

"Talaga po?" Matalino naman kasi siya. Sa bata niyang edad, ilang beses na siyang na-accelerate.

"Yup. At pinapasabi niya na galingan mo sa exam mo sa Manila."

Hindi ako kumibo. May balak kasi ako kapag nasa Manila na ulit ako. Ang balak ko ay mag-apply ng scholarship o mag-working student habang naroon ako. Wala akong balak na abalahin pa at pagastusin nang husto sina Tita Kara para sa pag-aaral ko.

Wala rin akong balak na tumira sa mamahalin nilang condo, okay na sa akin na mag-board na lang. Dahil sa totoo lang ay mas nahihiya na ako ngayon sa kanila dahil hindi ko na nakakasama ang anak nila...

"Ano pala ang kursong kukunin mo, Jessie?" Malambing na tanong ni Tita Kara.

"Education po, Tita..."

"Nice." Lumawak ang ngiti niya. "Very nice."

Ngumiti na rin ako, kahit pa mabigat na mabigat ang aking pakiramdam.

"Jessie, gusto kong malaman mo na kahit wala si Damon dito, hindi pa rin kita ituturing na iba. You're like a daughter to me na, believe me. Kaya sana wag kang maiilang sa akin."

"S-salamat po..."

"And before umalis ang anak ko, alam mo bang pinag-promise niya pa ako?"

"Po? Promise po?"

"Yes, a promise," tumawa siya. "Pinanumpa niya ako na kahit anong mangyari, alagaan ka namin at wag papabayaan. Kung hindi ay malalagot kami sa kanya."

"Naku, ano ba naman iyon si Damon." Nag-iinit ang pisngi na napayuko ako.

"Mahal na mahal ka ng kapatid mo, hija."

Nanubig ang mga mata ko. "Mahal na mahal ko rin po siya..."

Ngumiti nang matamis sa akin si Tita Kara. "Kaya nga ituring mo na talagang pamilya ang pamilya niya. Oh, by the way!" Ibinaba niya ang news paper sa center table. "Sabi ni Santi tinatawagan ka ni Damon, naka-off yata ang CP mo."

"Po?"

Nang mag-isa na lang ako sa sala ay dali kong ch-i-neck ko ang cellular phone ko, may twenty missed calls from unknown number.

"Hala!" Sising-sisi ako at hinayaan kong ma-dead bat ang CP ko. Hindi ko naman kasi alam na tatawag siya. Unang-una, ang tagal kong naghintay ng tawag niya, pero ni text ay wala akong natanggap.

"Damon, please, please..." samo ko sa CP ko. "Tumawag ka ulit. Miss na miss ka na ni Ate."

Miss na miss ko na talaga siya, at sising-sisi ako na hindi ko siya pinansin bago man lang ang flight niya. Ngayon tuloy ay ang layo-layo niya na sa akin, hindi rin sure kung makakauwi siya tuwing pasko o bakasyon dahil tuloy-tuloy na ang pag-aaral niya ron kasama ang mga pinsan niya. At wala rin akong lakas ng loob para sumama kina Tita Kara kapag dadalaw sila kay Damon sa America.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon