Chapter 34
"GET IN."Matagal akong napatitig sa guwapong mukha ng lalaking nakatayo sa harapan ko. Sa lalaking kanina pa gumugulo sa isip ko.
Siya ba talaga ang maliit na batang lalaki na matagal kong nakasama sa lansangan noon?
Habang nalalanghap ko ang mabango niyang amoy na napakasarap sa ilong, parang namamalik-mata pa rin ako habang nakatingin sa kanya.
He was now over six-feet tall, very handsome in a sensual and exotic way.
And his clothes? Well, his clothes could feed all the street children in Quiapo. He's wearing a light brown Gucci Khakis, gray plane Versace V-neck shirt and a pair of black Salvatore Ferragamo Python loafers. God, he was oozing with testosterone. Parang hindi siya bagay na tumayo at maghintay sa akin tuwing hapon sa tapat ng gate ng academe.
At kahit si Jeremiah ay nanliliit kay Damon. Ni hindi nito magawang makalapit sa akin, hindi dahil sa natatakot itong masuntok ulit, kundi dahil natatakot ito na magmukhang basahan kapag natabi kay Damon.
"Jesusa?" Pukaw niya sa pagkakatulala ko.
Ipinagbukas niya ako ng pinto ng dala niyang mamahaling kotse. Nang hindi pa rin ako kumilos sa kinatatayuan ko ay nilapitan niya na ako. Kinuha niya ang bag ko at isinukbit sa kanyang balikat.
Nagtagis ang mga ngipin niya ng hindi pa rin ako sumunod. "We don't want to make a scene here, do we?"
Hinuli niya ang pulso ko at hinila ako papasok sa Bugatti. Pasimple kong tiningnan ang paligid, nakaagaw na pala kami ng pansin sa mga nanny at mommy na sumusundo sa mga bata.
Nakatingin ang lahat hindi dahil sa hinihila niya ako, kundi dahil humahanga ang lahat sa kanya. Katulad ko ay natutulala rin sila kay Damon. Tulad ko ay marahil nagtatanong din sila sa isip kung tao pa ba ang nakikita nila o diyos. And I don't like it. Bigla akong nairita.
I don't like the idea that they're looking at Damon. Kahit pa mga nanay na iyong iba, ay ayaw ko pa rin. Parang bigla ay gusto kong isako si Damon para wala ng makakita sa kanya. Wala akong nagawa kundi sumunod at pumasok na sa passenger's side ng kotse.
Agad naman siyang sumakay sa driver's seat.
"Thirty missed calls, ten voice messages and fifty messages, Jesusa." Iritableng sabi niya. "Pinag-alala mo ako nang husto."
Clingy Voss Damon Montemayor.
Wala sa sarili na nilingon ko siya para lang mapatanga ulit sa kanyang itsura.
"What?" His teeth was clenching. Parang bigla rin siyang nailang dahil sa pagtitig ko sa kanya.
"Ano bang nagustuhan mo sa akin?" Hindi nag-iisip na tanong ko.
Natigilan si Damon. Bahagyang nakaawang ang mapulang mga labi. At hindi ko alam kung saan nanggaling ang bulong na lapitan ko siya, hilahin at halikan. Shit. Ano bang nangyayari sa akin?
"W-wag mong sagutin." Ipinilig ko ang ulo ko saka ko ibinalik ang paningin sa daan. "Umuwi na tayo, Damon..."
Narinig ko ang pagpapakawala niya ng buntong-hininga.
Ilang minuto ang lumipas bago ako nagsalita muli. "Kailangan ba talaga na magpakasal tayong dalawa?" Hindi tumitingin sa kanya na tanong ko.
"Yes." Walang gatol niyang sagot.
Hindi na ako kumibo. Naramdaman ko ang paghawak ng mainit niyang palad sa kamay ko at ang marahan niyang pagpisil dito.
"Marry me or marry me. Sorry but It's the only option I can give you."
BINABASA MO ANG
Trapped With Him
RomanceJesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her life has changed from that moment on. She's indebted to him and greatly appreciates his clan's suppo...