Chapter 19
"JESUSA,"
Matagal akong nakatulala sa kanya na para bang aparisyon niya lang ang nakikita ko.
Nangangatal ang mga labing nagsalita ako. "D-Damon... ikaw ba iyan?"
Ngumiti ang mapula niyang mga labi.
"Damon..."
"Hi."
"Damon..." sambit ko na parang sirang plaka. "Damon, ikaw nga..."
Kahit may kalabuan ang ilaw ng lamp post ay hindi ako pwedeng magkamali, siya nga ito.
Ilang taon ko na bang hindi naririnig sa personal ang boses niya?
Naluluhang pinagmasdan ko siya. Ang mga pagbabago na nakikita ko sa panlabas niyang anyo. Nang bumalik ang paningin ko sa kanyang perpektong mukha ay napanganga ako. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko sa magagandang mga mata niya, nangungulila rin siya sa akin.
Nangulila rin sa akin ang kapatid ko...
Pero bakit? Bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin?!
Lumagpas ang tingin niya sa akin. "So this is where you live."
Marahan akong tumango na nanginginig pa.
"Totoo pala na umalis ka na sa hacienda." May lungkot sa boses na aniya.
"G-gusto ko kasing i-try rito sa Manila... saka gusto ko ring tumayo sa sarili kong mga paa." Pigil na pigil ko ang pagpiyok ng boses ko.
"Matagal ka ng nakatayo sa sarili mong mga paa." Tiningnan niya ako. "Hindi mo tinantanggap ang allowance na mula kina Mom. You even applied for scholarship in college."
"P-paano mo nalaman?" Natatandaan ko na nakiusap ako kay Tita Kara na wag na wag iyon sasabihin kay Damon.
Nagkibit-balikat siya. "I have my ways."
Ways? So ibig sabihin kahit malayo siya ay alam niya ang mga nangyayari sa akin?
"You can hate me," malumanay na sabi niya. "Malaki ang atraso ko sa'yo."
Matagal bago ako nakapagsalita. "B-bakit ka nga pala nandito?"
"To see you and to be with you." Nang ngumiti siya ay tuluyan ng bumigay ang puso ko.
"Ngayon mo lang naisip na makita ako?" Hindi ko na napigilan ang pagtatampo ko sa kanya.
Kahit pa gustuhin kong magalit, hindi ko talaga kaya. Miss na miss ko kasi talaga siya!
Natatawa niya akong kinabig at niyakap. "Oh, I missed you..."
Napasubsob ako sa matigas niyang dibdib, at kusang napapikit na lang ang mga mata ko.
"I invited you abroad, but you refused my invitation." Aniya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Bakit hindi ikaw ang bumisita sa akin? Palibhasa sikat ka na diyan, kaya kinalimutan mo na ako!" Sumbat ko. Sa sobrang pagka-miss ko kay Damon ay gumanti ako nang mas mahigpit pang yakap sa kanya.
Damn! Ito ang pinaka-kinakasabikan ko!
Wala na. Bumigay na talaga ang puso ko. Tuluyan na akong napaiyak lalo na nang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Pakiramdam ko magjowa kaming nagkahiwalay nang matagal na panahon at ngayon lang nagkita.
"Sorry... I'll make it up to you..." alo niya sa akin habang hinahalik-halikan niya ang ulo ko.
"Nakakainis ka... nakakainis ka talaga..." iyak ko. Isinubsob ko pa lalo ang mukha ko sa kanyang matigas na dibdib. Halos singhutin ko ang bango niya. Sobrang na-miss ko siya, na kung panaginip lang ito ay magwawala talaga ako kapag nagising ako.
BINABASA MO ANG
Trapped With Him
RomanceJesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her life has changed from that moment on. She's indebted to him and greatly appreciates his clan's suppo...