14

475K 16.2K 5.6K
                                    

 Chapter 14

"CAN WE TALK?"

Napalingon ako kay Monmon— Damon.

Ilang araw na kaming naririto sa marangyang condo na pag-aari ng mommy at daddy niya. Ilang araw na kami rito pero hindi pa rin kami nakakapag-usap nang maayos.

Aaminin ko, naiilang na kasi talaga ako sa kanya.

Para kasing ibang tao na siya. Ibang bata na. Akalain mo ba naman? Montemayor siya. Mayaman siya. At ako? Ano ba ako? Langaw lang kumpara sa katulad niya.

Pinagmasdan ko siya, pumusyaw na ulit ang kutis niya. Sa suot niya ngayon na mamahaling poloshirt at shorts ay ibang Monmon na siya. Mas malinis, mas guwapo at mas may character.

Tumabi siya sa akin sa sofa. "I'm sorry if I lied to you."

Isa pa ito, mula ng sumulpot ang tunay niyang mga magulang ay napapadalas na rin ang pag-i-Ingles niya. Grabe, ang hirap niya ng abutin.

"P-pwede bang Tagalugin mo na lang ako?" mahinang pakiusap ko.

"Huh?" Kumiling ang mukha niya.

"Tagalog... please?" Sinikap ko siyang ngitian. "Alam mo namang hindi ako nag-aaral, di ba? I kent anderstand, e... you know?"

Saglit siyang natigilan. Tumango siya pagkatapos. "Sorry."

"Mon, may sasabihin pala ako..." nilakasan ko ang loob ko kahit pa napakahirap sa akin na sabihin ito sa kanya.

"Ano iyon?"

"Kasi di ba... okay naman na ako? Magaling na ako."

Tumaas ang isang kilay niya.

"Sa tingin ko ay di ko na kailangan iyong Sayko... Saykolo... ano nga ba iyon? Ah, basta iyong doktor!"

"Psychologist." Pagsu-supply niya.

"Oo iyon nga. 'Tingin ko di ko na iyon kailangan. Mapapagastos lang kasi kayo—"

"Money is not a problem." Balewalang sabi niya. Parang hindi batang nagpagala-gala noon sa lansangan.

"E basta..." napatungo ako. "Saka tutal nandito ka na sa magulang mo, siguro pwede na rin akong bumalik sa tulay..."

Naramdaman ko na nanigas siya sa tabi ko.

"Mon, tutal okay na ako, okay ka na, pwede na ulit akong bumalik sa dati kong pamumuhay. Babalik na ako sa tirahan ko at ikaw ay dito sa mga magulang mo—"

"No." Bigla niyang sabi.

Gulat akong napalingon sa kanya.

"You promised to stay with me no matter what!" Ayun na naman at nag-Ingles na naman! Ano kayang ibig sabihin non?

"Monmon, kasi..."

"Shut up! How can I protect you if you're going to leave me?"

Magsasalita pa sana ako pero tumayo na siya. Napatingala na lang tuloy ako sa kanya. Magaling na si Monmon, at iilang araw palang ang lumipas pero parang bigla na yata siyang tumangkad. Siguro ganon talaga pag natutule, lumalaki—este tumatangkad na agad.

"Pero, Mon... nakakahiya na kasi sa magulang mo na nakikitira pa ako rito—"

"You listen to me, okay?" Parang biglang na-stress sa akin ang bata. "You will stay here and you're not going anywhere. Period!"

"Monmon naman!" Wala akong maintindihan kasi.

"Just listen to me, Jesusa." Mariin niyang sabi.

"Teka? Kanina pa ako nakakahalata, ah! Hindi mo na ako ina-ate!" Nakakapagtampo naman. Porket dumating na ang mga magulang niya, maski pagtawag sa akin ng 'ate' ay ipinagkait niya na sa akin.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon