Chapter 25

496K 18.6K 2.4K
                                    

Chapter 25


"AKIN KA LANG."


"Ano bang sinasabi mo diyan?" Lumayo ako. "Hindi pwedeng sa'yo lang ako. Hindi pwede iyon!"


"And why the hell not?!"


Nilingon ko siya. "Dahil tao ako! Hindi ako bagay na pag-aari mo!"


Sumimangot siya. "Bagay lang ba ang pwedeng angkinin?"


"Yup. Oo pwede." Napakamot ako sa aking pisngi. Nakukunsumi na ako. "Pero kasi hindi pwedeng over protective ka. Paano ako magkaka-dyowa kung ganyan ka?"


"Seriously, Jesusa? Iyan ang inaalala mo?" Halos magbuhol na ang makakapal niyang kilay.


"At bakit hindi? I'm not getting any younger, Damon. Alam mo namang sabik ako sa pamilya. Gusto ko na rin namang magkapamilya!"


"I am your family." Mariing sabi niya.


"Ibang family ang sinasabi ko. Iyong sarili ko. Iyong totoo."


"So, you're telling me that I am not real?"


Natigilan ako ng bumalatay ang sakit sa guwapo niyang mukha.


Napabuntong-hininga ako. "Alam mo, nabo-bore ka lang, e. Kelan ba ulit ang concert niyo? Gigs? Show? Recordings or whatever. Sa kompanya niyo, wala ka bang mapagkaka-abalahan don? Di ba bumili ka ng shipping line? Bat di iyon ang asikasuhin mo?"


Nagtagis ang mga ngipin niya.


Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang braso. "Damon, makinig ka... hindi na tayo mga bata. Malalaki na tayo. May sari-sarili na tayong buhay. Paano pag nag-asawa ako? Pag nag-asawa ka? Di ba ang mangyayari non magiging pag-aari na tayo nila at—"


"Hold it right there!" Pigil niya sa pagsasalita ko. Saka tumalikod.


"Damon naman..."


Hindi siya kumibo. Naupo siya sa sofa at hinubad ang suot niyang sapatos. Nahiga siya ron at nagtakip ng pillow case sa mukha. Napailing na lamang ako.


...


TEN p.m nang bumaba ako sa sala. Patay na ang mga ilaw pero alam kong naririto pa si Damon. Binuksan ko ang switch ng ilaw sa sala saka ko siya nilapitan sa sofa.


"Gising muna... You still haven't had your dinner."


Hindi siya umimik. Naupo ako sa tabi niya saka siya marahang inuga.


"What?" Inalis niya ang nakatakip sa mukha niya.


"Kumain muna tayo, bunso..." nginitian ko siya. "Bati na tayo. Gutom na rin ako, e..."


Bumangon siya pero nakasimangot pa rin. Hinila ko na siya papunta sa kusina. Naghanda ako ng pagkain para sa aming dalawa. Pancit canton saka tinapay.


The awkwardness can be felt in the air.


Matapos kumain ay dinala ko na ang hugasin sa lababo. Habang naghuhugas ako ay nakatayo lang siya sa tabi ng mesa, ramdam ko ang mainit niyang mga mata sa likuran ko. Naiilang tuloy ako habang naghuhugas ako ng plato. Minadali ko na ang paghuhugas saka ako nagpunas ng kamay.


Nang tingnan ko si Damon ay busy na siya sa pagtingin ng Meralco at Maynilad bill ko. Kinuha niya pala iyon sa pinto ng ref.


"Nakalimutan ko, bayaran pala kahapon." Lumapit ako sa kanya. "Patingin nga, uy lumaki."


"I'll put money in your account."


Napatingala ako sa kanya. "Wala naman akong ibig sabihin don..."


Hindi siya kumibo. Bumalik siya sa sofa, para bang hinintay niya lang talaga akong matapos maghugas ng plato. Hindi ko na siya tinanong kung uuwi pa ba siya ngayon, baka kasi isipin niya na pinapaalis ko siya, baka magtampo lalo.


Umakyat ako sa itaas saka ko siya ikinuha ng unan at kumot. Mas okay na rin na sa sala siya kesa iyong dito na naman siya sa kuwarto ko.


Pagbaba ko ay nakaupo pa rin si Damon sa sofa, boxers na lang ang suot niya. Nakasampay sa upuan ang pinaghubaran niya. Ang ilaw na lang sa kusina ang bukas, pero sa sala ay patay na.


Inilapag ko sa tabi niya iyong unan at kumot. "Sige na, matulog ka na ulit."


Patalikod na ako ng pumigil ang kamay niya sa braso ko. "B-bakit?"


"Dito ka muna..."


Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin. Napaupo tuloy ako sa kandungan niya.


"Damon!" gulat na sambit ko.


Akma akong tatayo ng bigla siyang mahiga sa sofa, napunta ako sa ibabaw niya.


Niyakap niya ako at bigla siyang umikot para magkapalit kami ng puwesto, ganon na lang ang singhap ko ng daganan niya ako. And I could almost feel his hardness on my stomach.


"D-Damon, sandali..." Pilit ko siyang itinutulak pero hinuli niya ang mga kamay ko at ipinuwesto sa aking uluhan.


"Do you still love me?" Itinaas niya ang baba ko para mapatitig ako sa mga mata niya.


"S-syempre naman... hindi naman mawawala iyon, e. Mahal kita bilang kapatid. Matulog ka na, aakyat na ako sa—"


Ibinaba niya ang mukha sa akin, nagdikit ang noo naming dalawa. Halos sumayad na ang mga labi niya sa akin.


"I love you..."


Napalunok ako. "M-mahal din kita... Ikaw lang ang meron ako sa buhay ko ngayon—"


"And I want it to stay that way."


"Ha?"


"Gusto ko na ako lang ang meron ka."


"Damon..." usal ko nang bumaba pa ang mukha niya at sumubsob sa leeg ko.


"I love you, Jesusa, and I'm going to marry you."  


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Twitter: @mon_montemayor

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon