8

425K 13.9K 3K
                                    

Chapter 8

HINDI ako makatulog kakaisip don sa sinabi ni Monmon.

At kahit ngayon dito sa trabaho ay balisa ako. Hindi ko tuloy malinis nang maayos itong sapatos na pinapakintab ko. Naiisip ko si Monmon saka iyong sinabi niya sa akin bago siya makatulog.

Papakasalan niya raw ako?

Alam ba niya iyong sinasabi niya? Iyong batang 'yon talaga. Napailing ako.

Ang hirap talaga kapag bata ka at walang muwang sa mundo. Ang hirap din ng walang kompletong pamilya o paraalan na nagtuturo sa'yo. Naaawa ako kay Monmon kasi wala siyang kaalam-alam sa mga bagay-bagay sa mundo.

Pero kakausapin ko siya. Ipapa-intindi ko sa kanya na magkapatid kami. Na hindi kami maghihiwalay kahit pa hindi kami magpakasal.

"Hey!" Biglang may tumapik sa balikat ko.

Gulat akong napatingala. Si Henry!

"Sweldo mo," inabot niya sa akin ang isang sobre. "Dinagdagan ko iyan!" Kakaiba ang ngiti niya sa akin.

"S-salamat..." naiilang talaga ako rito sa anak ng amo ko.

Nong araw na maligo ako sa kanila, kabadong-kabado ako. Sino ba ang hindi? Habang naliligo lang naman ako ay kinakalampag niya ang pinto ng banyo. Baliw talaga. Lakas-trip.

"Palaging absent si Maricel, a?" Puna niya.

"M-may sakit kasi iyong mama niya..." mahinang sagot ko.

Tumango siya saka humawak sa balikat ko. Kinilabutan ako sa pagdantay ng mainit niyang palad sa akin. Kahit pa may suot akong kamiseta ay parang tumatagos ang palad ni Henry sa damit ko.

"Ilang taon ka na ulit? Trese?" Kumiling ang mukha niya. "Ang laking bulas mo. Nireregla ka na, di ba?"

Humalakhak siya ng di ako sumagot sa tanong niya. Umalis din siya pagkatapos.

Nakakainis. Kapag talaga wala si Maricel ay ako ang paboritong pag-initan ng lalaking iyon. Kung di ko lang kailangan itong trabahong ito, matagal na akong umalis dito. Nagmadali na ako sa pagsh-shine ng mga balat na sapatos. Saktong alas-dose ay umalis na ako sa shop ni Mr. Husik.

...


"KAY sakit naman isipin na sa puso mo ako'y pangalawa, sa tuwing makikita kitang kasama siya
pinipikit ko ang aking mga mata. At sa gabing kasama mo siya halos hindi ako makahinga! Hah!"

Nahinto ako sa paglalakad ng madaanan ko sila Adong. Nasa gilid sila ng tulay at nagkakasayang magkakaibigan. Mga nueve anyos sila hanggang onse, tingin ko. Sila iyong madalas samahan ni Monmon sa pangangalakal ng basura.

"Ano ating lagay, hindi mapalagay. Ako'y nasasaktan pag hawak mo kanyang kamay. Sa kanya ka sa tanghali, akin ka sa gabi! 'Pagdilat sa umaga yo! wala kana sa tabi merong kahati, gusto kita na mapasakin kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin! At lagi mong iisipin kung hindi ka para sakin, wag mo lang makalimutin na ika'y mahal ko rin!"

Napangiti ako ng makita ko si Monmon na katabi ng mga ito. May mga bitbit silang basyo ng bote na inilalagay nila sa kariton.

Nagulat ako ng marinig ko siyang nagb-beat habang nagra-rap ang mga kaibigan niya.

Pero mas nagulat ako ng siya ang kumanta ng chorus. "Sa puso koy nag-iisa! Kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta! Basta ba'y makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya..."

Napatanga talaga ako. Maganda pala ang boses ni Monmon, at buong-buo iyon kahit napakabata niya pa!

"Mon!"

Nahinto siya at napalingon sa akin. Kitang-kita ang panlalaki ng kanyang mga mata at agad na pamumula ng makinis niyang pisngi. Natawa ako sa reaksyon niya.

Cute niya talaga!

Kinawayan ko siya. "Kain na muna tayo, bunso!"

Nagpaalam siya sa mga kasama niya saka nakatungong lumapit sa akin. Agad ko siyang inakbayan at iginaya na papunta sa gotohan kung saan kami mananaghalian.

"Ang galing mo palang mag-beat at kumanta! Astig!"

Tumulis ang nguso ni Monmon. Tumigil siya sa pagsubo ng goto.

Dito ko siya pinakain ngayon dahil bagong sahod ako kay Mr. Husik sa Binondo. May bonus ako na hindi ko alam kung bakit meron. Pero gayunpaman ay nagpapasalamat ako dahil may kalakihan ang dala kong pera ngayon. Six-hundred pesos lang naman ang kinita ko.

"Uy, wag kang mahiya. Talent iyon, ah!"

Lalo siyang sumimangot. Parang hiyang-hiya siya sa naabutan kong performance niya kanina.

"Sige kain nang kain, mamaya ibibili kita ng bagong jersey shorts sa palengke."

Hindi na siya umimik pero hanggang ngayon ay namumula pa rin talaga ang mukha niya.

...


PAGKATAPOS kong maglako ng sampaguita ay dumaan ako sa palengke para ibili si Monmon ng dalawang shorts. Sira na kasi iyong mga shorts niya.

Nagmamadali niya akong iniwan kanina, kesyo tutulong daw sila mag-barker ng jeep sa sakayan. Pero obvious naman na umiiwas siya.

Bakit ba siya nahihiya sa akin e ang ganda-ganda naman ng boses niya?

Kapag lumaki si Monmon, tiyak na malayo ang mararating niya kung magkakaroon siya ng banda. Lalo tuloy akong napursige na magsikap para sa kanya.

Sa susunod na pasukan ay titiyakin ko na mae-enroll ko na siya. Iyon nga lang ay problema ko pa ang mga requirements niya. Pero pasasaan ba at mapag-aaral ko na rin siya.

Hapon nang mapadaan ako sa public center sa may Binondo.

Nabasa ko sa malaking board ang nakalagay na paparating na libreng tule sa susunod na Linggo. Naalala ko si Monmon. Mabilis akong umuwi sa ilalim ng tulay. Nadatnan ko siya rong naghihintay sa akin.

"Dapat ka ng magpatule, bunso." Agad kong sabi sa kanya.

Namumutla siyang nagtaas ng tingin sa akin.

"Bakit?" Saka ko nakita ang nagkalat na dugo sa karton na higaan namin.

Ang pagkagulat sa mukha ni Monmon ay napalitan ng takot. Lalo akong nag-alala ng makitang sa shorts niiya nagmumula ang dugo na nakikita ko.

Nilapitan ko siya at ikinulong sa aking mga palad ang kanyang mukha. Nanlalamig siya ng maramdaman ko ang balat niya. "Anong nangyari?!"

Hindi siya sumagot, sa halip ay umiling lang.

"Hindi pwedeng wala!" Nataranta na ako. Pilit kong sinisilip ang shorts niya pero todo iwas siya sa akin. "Monmon, ano ba?!"

"O-okay lang ako..." pero halata sa mukha niya ang kanyang dinaramdam. Hinila niya ang luma niyang T-shirts at ikinumot sa kalahati ng kanyang katawan.

Humiga siya sa karton at saka mariing pumikit. Naluluha ko siyang pinagmasdan. Anong nangyari sa kanya?

"Monmon..."

Mahina siyang umungol. Para akong dinudurog habang naririnig ko ang daing niya. Hindi na ako nakatiis kaya inalis ko ang T-shirt na itinakip niya sa sarili. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari sa kanya.

"'Wag..." hirap na sambit niya.

Hindi ko siya pinansin.

Desididong inangat ko ang shorts ni Monmon para lang mapansin na punit ang gilid niyon. Lalo akong kinabahan ng may maamoy akong kung ano. Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan kong mahubo ang shorts niya.

Kasabay ng pagpikit ni Monmon ay ang panlalaki ng mga mata ko.

Paano'y ang ari niya—


duguan at namumutla!  


Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon