PART 1
Chapter 1
***4 years ago
September 14, 2010
Daphne's POV
Grabe! 5:45 AM na! Late na naman ako sa pang alas-siete kong klase. Kasi naman. Yung alarm ko hindi na naman tumunog. Sa halip kasi na 4:30 AM, 4:30 PM pala yung napindot ko. Haysss naman! Malayo pa man din ang bahay namin sa school. Minimum na yung 1 hour na byahe. Tapos mabagal pa ako kumilos. Tsk tsk.
Edi yun. 6:15 na ako nakaalis ng bahay. Grabe, kaya ko palang kumilos ng mabilis? Haha. Basang-basa pa yung buhok ko. Kakahiya tuloy sa katabi ko sa jeep. Nagtatalsikan kasi yung tubig sa buhok ko kapag humahangin. Hahaha.
5 minutes na lang bago mag-7 AM. Naku po! Bakit ba kasi lagi na lang trapik dito sa Batangas?!
Kung pwede ko lang paliparin yung jeep. Hayyy.
7:15 AM. Sa wakas! Nakarating din ng school! Pagtigil nung jeep, agad agad akong bumaba. Tumakbo ako papunta sa building namin. Naka-heels ako nun ha. Hindi ko napansin na nire-reconstruct nga pala yung pathway sa tabi ng building namin kaya natakid ako sa nakabunton na bato. BLAG! Napaupo ako. Nabitawan ko yung bag ko pati yung libro ko.
"Araaay."
(T___T)
"Miss, okay ka lang?" sabi ng isang lalaki.
Aba? Okay din 'to ah. Eto nga at nakaupo ako sa lupa at hawak ang baywang ko tapos itatanong pa kung okay lang ako???
"Malamang hindi! Nakita mo na ngang natakid itatanong mo pa? Ikaw, ok ka lang?!" sabi ko habang tumatayo.
Inakay niya ako hanggang sa makatayo na ako nang ayos. Pagtunghay ko...napatulala ako. Oh my God! Nasa langit na ba ako? Ang gwapo niya! Mukhang anghel.
"Pasensya na ha. Dapat hindi na ako nagtanong. Dapat tinulungan kita agad."
"Ahhh. Hehe. Wala yun. Sige mauna na ako. Late na ako eh. Salamat ha. Ba bye!"
Tumakbo na ako. Grabe. Nakakakilig yun ah. Pero mamaya ko na lang ulit iisipin yun. Kasi late na late na talaga ako.
Sa back door ng room ako dumaan. Dahan-dahan kong ipinihit ang door knob. Nakapikit ako habang binunuksan ang pinto. Pagmulat ko, nakatingin silang lahat sa akin.
"Miss Zaballa. Good morning. Ang aga mo naman for the next class." Sabi ng prof namin.
"Ahh. Sir, good morning din po. Sorry po."
"Take your seat."
"Thank you po."
Umupo na ako. Pinaggigitnaan ako nina Avrielle at Haylee.
"Sis, anong nangyari? Ngayon ka lang na-late ng ganito," bulong ni Avrielle.
"Maya ko na kwento."
"Mahangin siguro sa labas, nuh? Sis, uso ang magsuklay ha," pang-aasar ni Haylee.
BINABASA MO ANG
My Better Half is from Heaven
FantasyWhat if all of a sudden, the man you love left without even saying goodbye? How would you endure the pain? How long would you wait for him to fall back in your arms? If he comes back...would you still accept him despite everything? Most especially i...