Part 1
Chapter 10
December 14, 2013
Daphne's POV
35 days nang wala si Sky. Bilang na bilang ko ang mga araw. Naka-isang buwan na pero masakit pa rin.
Papunta ako ngayon ng sementeryo. Dadalawin ko siya.
Pagdating ko doon, nagtirik ako ng kandila. Inilagay ko rin ang bulaklak sa puntod niya at umupo ako sa damuhan. Bigla na lang akong napaluha.
"Hon, happy 3rd anniversary...Happy 23rd birthday..."
Pinahid ko ang luha ko. Pinigil ko ang aking pag-iyak.
"Sky, miss na miss na kita. Araw-araw, ikaw lang ang nasa isip ko. Ipinagdarasal ko na sana maging okay na ako pero ang hirap talaga...Hayyy... Hon, nga pala. Tumawag sakin ang Mommy mo. Hindi ka nila mabibisita ngayon eh. Ibati ko na lang daw sila sa'yo. Siguro next year ka pa nila mapupuntahan. Wag ka mag-alala, hindi ka nila kinalimutan. Umalis sila kasi they needed to move on."
"One more thing Sky. Your Dad offered na maging accountant ako ng Buenaventura Shipping Lines. I accepted it. Naisip ko kasi na magiging masaya ka kung hindi ko puputulin ang koneksyon ko sa pamilya mo. Sa Monday, magsisimula na ako mag-work."
Matapos ang ilang minuto, nagpaalam na ako kay Sky.
December 16, 2013
First day of work ko ngayon. Medyo okay na naman ako. I need to face life. Hindi dahil nawala si Sky ay ititigil ko na ang buhay ko. I need to work on my career and I need to make a new me.
I was welcomed nung dumating ako. Nakilala ko si Keira Vasquez, isa sa mga matataas ang posisyon sa HR. Iniilibot niya ako sa buong kompanya.
After almost one hour, dinala niya ako sa isang room.
"This will be your office. Kasama mo dito si Mr. Zander Ocampo. He has been the accountant of the company for the last two years. Nga pala, si Courtney Elizondo. Isa siyang accountancy student. OJT."
"Good morning po Ma'am."
Nginitian ko si Courtney. Humarap naman ako kay Keira.
"Maraming salamat Miss Vasquez."
"Ate Keira na lang. Masyadong formal kapag Miss Vasquez."
"Ate?"
"I'm four years older than you."
"Hindi halata! I really thought magkasing-edad lang tayo. I'm just turning 22 sa January next year."
"Haha. Thanks for that compliment. Eh how about you? Ano bang gusto mong itawag namin sa'yo?"
Napaisip ako. Ayoko na Daphne ang itawag nila sa akin dahil maaalala ko lang si Sky.
BINABASA MO ANG
My Better Half is from Heaven
FantasyWhat if all of a sudden, the man you love left without even saying goodbye? How would you endure the pain? How long would you wait for him to fall back in your arms? If he comes back...would you still accept him despite everything? Most especially i...