Part 2 Chapter 2

54 3 0
                                    

Part 2

Chapter 2

January 4, 2014

Brent's POV

Naging busy si Daph kahapon and the day before that. Inayos niya ang schedule ko, lahat ng kelangan ko. Ang formal niya nga eh...feeling ko tuloy magiging mahirap bago ko makuha ang loob niya. Pero di bale, kaya ko 'to! Kailangang maisagawa ko nang ayos ang mga plano ko sa loob ng 100 days.

Today is Saturday...my 14th day. So far, wala pa akong hint kung sino ang pumatay sa akin. Balak ko sana, by the 88th day, okay na ang mga misyon ko. Para sa natitirang 12 days, all I would do is to be with Daph.

Pagdating ko ng office ko, andun na si Daph.

"Sir Brent, 15 minutes na lang po at magsisimula na ang stockholders' meeting."

"Okay. Maghanda ka na rin. You are going with me." 

"Pero Sir, ang sabi po ay stockholders lang ang pwedeng---" 

Lumapit ako kay Daph. Almost 2 inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin. I looked in her eyes. 

"I am the boss and I make the rules." 

Tumango siya. Lumayo ako sa kanya at napabuntong-hininga siya. 

"Let's go, Summer." 

The moment we entered the room where the meeting will take place, I noticed na nagulat sina Harris at Ryder dahil kasama ko si Daph. Andun din sa meeting si Ethan, ang older brother ni Ryder, at pati si Zander, bilang proxy ng mga Buenaventura. Ang ilan sa mga board of directors ay nandun rin.

"Good morning. I am Mr. Brentley Blake Castellano, the new major shareholder of Buenaventura Shipping Lines. Let's start the meeting."

The meeting began. Everything was about the company...blah blah blah. I kept listening. Tiningnan ko si Daph...and napangiti ako. She was just so beautiful.

Suddenly, biglang nagbago ang topic ng meeting.

"Mr. Castellano, wala ka bang balak palitan ang pangalan ng kompanya?"tanong ni Ethan Fuentes.

Nagulat ako. May nakita akong pulang aura kay Ethan...

"NO. I respect the company's legacy and also, the Buenaventura family." 

"Tama si Mr. Castellano. Stockholder pa rin ang mga Buenaventura and I don't think it will be good for the company's environment kung mababago ang pangalan ng kompanya,"sabi ni Harris.

I saw Daphne smile. Alam kong ayaw rin niyang mapalitan ang pangalan ng kompanya. Of course...I wouldn't permit that! I am Brentley Blake Castellano in form but I am Skyler Humhprey Buenaventura in substance!  

Hapon na rin nung natapos na ang meeting. Pinauwi ko na si Daph and I told her na sa lunes na lang niya ayusin ang mga paperworks niya.  

Umakyat ako sa rooftop. It's been a while nung huli akong pumunta dito. Bigla namang nagpakita sa akin si Chase.

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon