Epilogue
Madaming mga bagay sa mundo ang kaya nating hanapan ng paliwanag. Madaming mga tanong sa ating buhay ang kaya nating sagutin. At madaming tao sa kasalukuyan ang magagawa nating kilalanin.
Hindi naman pala mahirap ipaliwanag ang pag-ibig. Kapag naramdaman mo na ito, makakaya mo na itong unawain at isa pa, hindi mo ito kailangang hintayin dahil kusa itong dumadating. Ang pag-ibig ay maaari sa lahat ng uri ng nilalang at maaari mo din itong maramdaman sa kahit kanino…dahil lahat tayo ay may karapatang magmahal at mahalin.
I am here. I will always be here
I will never leave her. Never again.
Ako si Skyler Humphrey Buenaventura. Sa ngayon, ako na si Brentley Blake Castellano. Napatunayan kong kaya ko palang gawin ang lahat para lang makasama si Daph at maipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Oo, siya lang ang mahal ko at wala nang iba. Hindi ko hahayaang muli kaming magkahiwalay pa.
He is here. He will always be here.
He will never leave me. Never again.
Ako si Summer Daphne Zaballa. Napatunayan kong hindi talaga ako iniwan ni Sky. Kahit anong mangyari, siya lang ang lalaking laman ng puso ko. Oo, siya lang ang mahal ko at wala nang iba. Hindi ko hahayaang muli kaming magkahiwalay pa ng aking kabiyak na nagmula pa sa langit.
Oo, tama ang mga huling salitang nabasa mo. My better half is from heaven. He really is.
---The End---
© January-April 2014 by Mayor Monster
BINABASA MO ANG
My Better Half is from Heaven
FantasyWhat if all of a sudden, the man you love left without even saying goodbye? How would you endure the pain? How long would you wait for him to fall back in your arms? If he comes back...would you still accept him despite everything? Most especially i...