Part 1
Chapter 7
February 14, 2011
Skyler's POV
Valentine's Day ngayon tapos 2nd monthsary namin ni Daph. Wala kaming klase kasi may event sa school. Andaming booth at kung anu-ano pa. Hindi na kami papasok ngayon kasi dadalhin ko siya sa resort namin sa Mabini.
Lunch time na nung dumating kami ni Daph sa resort. Tuwang-tuwa siya kasi ang ganda daw. Niyaya ko siya mag-swimming kaya lang ayaw niya. Beach hopping lang daw ang gusto niya.
After namin mamasyal, nagpunta kami sa hotel room. Nasa second floor yun. Pumunta agad siya sa terrace at tiningnan ang dagat. Umupo naman ako at binasa ang bagong brochure ng resort. Tiningnan ko si Daph... Kitang-kita kong masaya siya, and I am proud na I never fail to make her happy.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.
"Hon, isang taon na lang gagraduate na ako. Ikaw, two years pa. Pagkatapos mo grumaduate, pakasal na tayo ha?"
"Agad? Anu ka ba hon, let's enjoy this muna. Wag tayong magmadali. Saka syempre gusto ko namang maging successful din muna ang mga career natin."
"Bakit...ayaw mo bang magpakasal sa'kin?"
"No, I want you as my husband, Sky. Ang sa akin lang, we are too young. Madami pa tayong dapat malaman."
"Baka kasi maagaw ka pa ng iba sa akin."
Humarap sa akin si Daph at hinawakan ang mukha ko.
"Ano ba yang iniisip mo? Hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Mahal kaya kita."
Ngumiti ako at bahagyang hinalikan siya sa labi. Niyakap niya ako ulit. Mahal ko talaga si Daph. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko hahayaang makuha siya ng iba.
November 8, 2013
Daphne's POV
It has been years at kami pa rin ni Sky. Actually, next month ay third anniversary na namin. Nung unang anniv namin, nagpunta kami ng Enchanted Kingdom. Tapos nung second anniv naman, nagpunta kami ng Subic kasama ang parents niya pati na sina Mama at Winter.
Nga pala. Last March 2012, grumaduate na si Sky. Nakapasa siya ng board exam nung May 2012. Hindi na siya nagreview. Galing ng honey ko di ba? Sina Harris at Ryder, nagreview sila. Nakapasa naman sila at mga architects na din. Ako, kakagraduate lang nitong March 2013. Unlike Sky, nag-review ako. Fortunately, nakapasa naman ako ng board exam last October. Pati sina Haylee at Avrielle. CPA's na kami. :)
Si Sky ay nagtatrabaho sa kompanya nila currently. Ako naman, hindi pa makapagdecide kung saan magtatrabaho. Madami kasing tumatawag.
Friday ngayon at magdi-dinner kami ni Sky sa bahay nila. Anniversary kasi ng Mom at Dad niya.
7 PM na pero hindi pa rin dumadating si Sky. Kanina ko pa tinatawagan pero hindi sumasagot. Asan na kaya yun? Hayyy.
Maya-maya, may biglang tumawag. Unknown number. Kinabahan ako.
"Daphne?"
"Yes, sino 'to?"
"Si Harris 'to. Hindi ka na masusundo ni Sky. I'll pick up in your house now. Malapit na ako."
"Ha? Bakit? Nasaan siya?"
Biglang may dumating na dark blue Pajero. Bumusina ito.
"Daphne! Sakay na! We are in a hurry!"sigaw ni Harris.
Tumakbo ako at sumakay sa sasakyan.
"Ano bang nangyayari?! Nasaan si Sky?"
"Isinugod sa ospital ngayon si Sky..."
BINABASA MO ANG
My Better Half is from Heaven
FantasyWhat if all of a sudden, the man you love left without even saying goodbye? How would you endure the pain? How long would you wait for him to fall back in your arms? If he comes back...would you still accept him despite everything? Most especially i...