Part 2 Chapter 8

69 3 0
                                    

Part 2

Chapter 8

November 8, 2014

Brent/Skyler's POV

It's been a year. Babang-luksa ko ngayon...I mean, ng dating katawang-tao ko. Umuwi ang Mom at Dad galing ibang bansa. Andito kami sa sementeryo ngayon.

Nga pala, kami na ni Daph. I mean, talaga namang kami na dati pa. Pero di ba nga, ako si Brent sa paningin ng ibang tao. Kaya yun. So far, okay naman sa Mama ni Daph pati na sa barkada. Sabi nga ng Mama niya, nakikita daw niya sa akin si Skyler. Ay naku, kung alam nyo lang po. Ako po talaga si Sky. 

"So...I heard that you two have been dating?"sabi ng Mommy. 

"Ahh. Opo. I hope po you don't mind kasi nung nagsimula po akong manligaw kay Daph, ilang months pa lang pong wala si Skyler." 

"It's okay, hijo. Daphne deserves a guy that will love him like what my son did and I believe that guy is you,"sabi ng Mom. 

"Besides, ikaw ang nakalutas ng kaso ng anak namin. You brought us justice. Malaki rin ang naitulong mo sa kompanya namin. We owe you too much. You are indeed a good man,"sabi naman ni Dad. 

"Wala po yun. Pamilya na po ang tingin ko sa inyo." 

"Ahh, Brent and Daphne, why don't you come over mamaya sa bahay namin? Dinner tayo. Para naman makabawi man lang. I'll make the dinner special...ipagluluto ko kayo." 

"Naku, Brent, masarap magluto si Tita. I swear,"sabi ni Daph. 

"Sure po. Our pleasure." 

"That's good. See you then."

Daphne's POV

Ang weird naman. Pag-uwi ko sa bahay, wala sina Mama at Winter. Nag-iwan lang sila ng note sa may ref, ang sabi eh may pinuntahan lang daw. Babalik daw sila agad.

Around 6 PM, sinundo na ako ni Brent. Halos isang oras din ang byahe. Pagdating namin sa bahay ng mga Buenaventura, dinala kami ng mga maids sa may garden.

"Bakit ang dilim dito sa garden? Walang kaila-ilaw. Saka kala ko ba, dinner? Bakit andito tayo? Wala ata sina Tito at Tita. Baka nakalimutan nilang may dinner tayo, Hon."

Niyakap ako ni Brent mula sa likod. Pagkatapos ay hinalikan niya ako nang marahan sa batok.

"Hon...ano ba?"

Tumawa siya nang mahina at hinalikan naman ang leeg ko.

"HON! Ang pilyo naman eh!"

Biglang bumukas ang mga ilaw. Ang liwanag. Napapalibutan ng Christmas lights yung garden. Nakasabit yung iba sa mga puno at yung iba ay nasa bushes.

Biglang lumabas ang Mommy at Daddy niya sa likod ng mga puno. Ganun din sina Mama at Winter. Pati sina Haylee, Avrielle at Harris ay nandun rin.

"Oh my gosh...anong meron?"

May umilaw muling mga Christmas lights. Nakalagay ito sa bushes. Unti-unti ko itong binasa.

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon