Part 2 Chapter 4

85 3 0
                                    

Part 2

Chapter 4

February 19, 2014

Daphne's POV 

Eto ako ngayon, kasama si Sir Brent sa airport. May 5-day business trip daw kasi kami sa Macau. Buti na nga lang at sa 25 ang balik namin. Tamang-tama, holiday. Makakapagpahinga ako. 

Nagulat ako nung makitang medyo maliit yung eroplanong sasakyan namin, tipong good for 20 persons lang. Yun pala, si Sir Brent ang may-ari ng eroplanong yun at nagpa-schedule lang ng special flight. 

Ayun. Dumating kami sa Macau eh halos mag-aalas dose na ng gabi. Nakakapagod ang byahe. Pagdating namin sa hotel, inayos ko agad ang mga gamit ko at natulog agad. Nga pala, magkatabi lang ang kwarto namin ni Sir. 

February 23, 2014

Today is our fourth day. Grabe, ang bilis ng araw. Nung 20, umattend lang kami ng seminar buong araw. Nung 21, nagtingin kami ng ilang mga bangka at bumili ng ilang mga parts ng barko. Kahapon naman, umattend kami ng exhibit at pumunta ng museums.

Ano naman kayang gagawin namin today? 

Kakatapos ko lang magbihis nang biglang may kumatok sa pinto. 

"Sir! Good morning." 

"Ahh, Summer. I gotta tell you something." 

"Ano yun?" 

"Hindi kasi makakarating yung engineer na imi-meet natin today. Tapos bukas naman, may pupuntahan sana tayong restaurant para i-try yung ibang cuisines na pwede nating ituro sa mga chef natin sa barko. Kaya lang, hindi daw available ang restaurant kasi may event daw na gaganapin dun."

"Eh paano yun, Sir? Babalik na ba tayo ng Pilipinas ngayon?"

"Hindi pa. Bukas pa ng gabi ang dating ng eroplano ko. Ang sabi ko kasi eh 5 days tayo dito." 

"Ahh. Eh kung ganun...ano nang gagawin natin?" 

"Okay lang ba sa'yo kung mamasyal na lang muna tayo ngayon? Maraming magagandang lugar dito sa Macau. Then, bukas, maimili na lang tayo ng mga pasalubong." 

"Hmm...okay."

Ipinasyal ako ni Sir Brent dito sa Macau. Puro romantic ang mga lugar dito, puro pang-couple. Nagkataon namang may festival pala ngayon kaya yun, nanood kami ng parade. Pupunta kami ngayon sa isang restaurant para mag-lunch.

Dumating na yung inorder ni Sir na pagkain. Yung isa ay roasted chicken and then the other one was pork. Napansin kong matamis ang luto ng karne, parang humba. Nagulat naman ako nung nilagyan ni Sir Brent yung roasted chicken ng napakadaming hot sauce at kinain yun na parang hindi maanghang.

"Oh...bakit ka nakatitig sa akin? May dumi ba sa mukha ko?"

"Wala naman, Sir. You just remind me of someone." 

Nagpatuloy siya sa pagkain habang ako, nakangiti ko siyang tinitingnan. Katulad siya ni Sky...mahilig din sa mga maaanghang. 

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon