Part 2 Chapter 7

56 3 0
                                    

Part 2

Chapter 7

Brent's POV

Nakita kong dumating si Chase. Hinampas niya sa ulo si Ryder kaya natumba ito at nabitawan ang baril na hawak niya.

"Daphne, umalis na kayo dito!"

Nagulat ako sa sinabi ni Chase. Nakikita at nakakausap niya si Daph?

"Chase, nagpakita ka kay Daph?"

"Oo...dahil ayokong maging fallen angel ka. Ayokong mapahamak ka, kaya ko yun nagawa. Skyler, alam na ni Daphne ang lahat."

"Pero ikaw? Paano ka? Mapaparusahan ka, Chase."

"Sige na...umalis na kayo!"

Umiiyak na si Chase. Itinulak niya ako palayo.

"Sky...Daph...umalis na kayo!"

"Hindi, Chase! Sama-sama nating tatapusin 'to!"sabi ko sa kanya.

Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Ang lakas ng kulog at kidlat. Parang nagwawala ang kalangitan.

"Sige. Kung yan ang gusto mo, tapusin na natin ito!"sabi ni Devlin habang bumababa galing sa isang maitim na ulap.

Bigla namang may lumabas na itim na usok sa bibig ni Ryder.

"Si Raja? Ang gatekeeper of hell?"sabi ni Trevor.

Nanatiling walang malay si Ryder. Dinala ko naman si Daph sa isang tabi at isinabit ang isang rosaryo sa kanyang leeg.

Pumunta si Raja sa tabi ni Devlin. Ngayon, magkakaharap na kami. Ako, si Chase at Trevor laban kina Raja at Devlin.

"Ibig sabihin, hindi talaga si Ryder ang pumatay kay Skyler? IKAW ANG PUMATAY SA KANYA, DEVLIN?!"sabi ni Chase.

"OO! Ako ang pumatay sa kanya! Sumapi ako kay Ryder at ginamit ko ang katawan niya para mapatay yang alaga mo!"

"Pero bakit?! BAKIT MO AKO PINATAY?!"

Lumapit sa akin si Devlin at hinawakan ang kwelyo ng aking damit. Naramdaman kong unti-unti akong lumulutang hanggang nasa ere na ako.

"Tinatanong mo kung bakit? HA?! Nang dahil sa Daddy mo, namatay ako!"

"Ano???"

"Dating managing partner ng Daddy mo ang Papa ko. Nagkaroon ako ng cancer kaya hindi na nagawa ni Papa ang responsibilidad niya sa trabaho. Halos malugi na ang kompanya at kay Papa isinisi ang lahat. At alam mo ba ang ginawa ng Daddy mo??? Tinanggal niya sa trabaho ang Papa ko at ni piso walang nakuha si Papa! Wala kaming pera nung mga panahong yun...hirap na hirap kami! Hindi ako naipagamot kaya lumala ang sakit ko at namatay ako. NAMATAY AKONG MAY GALIT AT POOT! Kaya naisip kong maghiganti. Kapag pinatay kita, mararamdaman din ng Daddy mo ang sakit na naramdaman ng Papa ko nung mawala ako!"

"Devlin, bitawan mo si Skyler!"sabi ni Chase habang lumilipad papunta sa amin.

Nanlilisik ang mga mata ni Devlin. Ramdam kong gusto na niya akong patayin.

Hinampas ni Trevor si Devlin sa likod kaya nabitawan ako ni Devlin. Sinalo ako ni Chase at ibinaba sa rooftop.

Bumalik muli sa ere si Chase. Naglaban sila ni Devlin. Sumugod naman si Raja at kinalaban si Trevor.

Tumakbo ako papunta kay Daph. Umiiyak siya at takot na takot. Niyakap ko siya.

"Shh. Tahan na, hon. Andito na ako, hindi kita papabayaan. Ipikit mo ang mga mata mo para hindi mo sila makita."

Daphne's POV

Ipinikit ko ang aking mga mata. Niyakap ko nang mahigpit si Brent.

Naririnig kong naglalaban pa rin ang mga anghel. Lalong lumakas ang buhos ng ulan at pakiramdam ko...hindi na matatapos ang gabing ito. Hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak dahil takot na takot ako.

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon