Part 1 Chapter 3

66 3 0
                                    

Part 1

Chapter 3

September 15, 2010

Daphne's POV

Maaga ako gumising ngayon. Susunduin kasi ako ni Skyler dito sa bahay. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya dahil mabagal ako kumilos. Pang-9 AM ang klase ko ngayon tapos hanggang 12 PM lang ...I really love Fridays! 

Nakaalis na sina Mama at Winter kanina pa. Pang-7 AM kasi ang klase ni Winter. Si Mama naman, pang-8 AM kaya lang dahil nga malayo ang bahay namin sa kabihasnan, maaga siya bumabyahe.

Andito na ako sa porch ngayon. Ready na ako. Hinihintay ko na si Sky. Maya-maya tumunog ang cellphone ko.

Gonna be there in 5 mins. Get ready, ok? 

See you, Daph.

-Sky 

Ito ang unang text niya sa akin. Hindi ko ito buburahin! Nagreply ako sa kanya.

Okay. Ingat sa pagda-drive. ^_^

Kinuha ko ang pouch ko. Nagpulbo ako at naglagay ng lip balm. Nagsuklay ako. Nagpabango. Inayos ko ang uniform ko.

Ayan. Okay na 'ko. :)

Maya-maya, may nag-park na black BMW. Bumaba siya sa kotse. Lumabas naman ako ng gate.

"Tara na, Sky." 

"You look fresh and nice." 

"Thank you." Nagblush ako.

Sumakay na kami sa kotse and he started to drive. Biglang tumunog yung cp ko, all of a sudden.

"Who's that?"

"Ahh. Wala. GM lang 'to."

"May I see your phone?" 

"Huh?" 

"HAHA. I'm sorry Daph. I'm being rude. A cellphone is a private thing. I just want to know if..." 

"If what?" 

"Wag na. It's silly." 

"Anu nga kasi yun?" 

"Gusto kong malaman kung anong pangalan ko sa cellphone mo." 

Nag-blush ako. Eh kasi, Pretty Boy ang pangalan niya sa phone ko. 

"Hey, Daph." 

Binuksan ko ang phonebook ng cp ko. I showed him. 

Pretty Boy ^_^ 

0929******* 

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon