Part 2 Chapter 1

56 3 0
                                    

Writer's note: Hello po! Explain ko lang po ha. Dun sa part 1, si Nam Bo Ra po ang Daphne kasi po teenager pa po sila ni Skyler nun...that was 2010. By the time po na namatay si Sky...di po ba 2013 na yun? Starting po dun ay si Han Ga In na si Daphne kasi po mas fit siya dahil matured na ang roles. Yun lang po. Hehe. Keep reading! :)

Part 2

Chapter 1

December 23, 2013

Daphne's POV

Hayyy. Ang bilis naman. Lunes na naman. Pero okay lang kasi Christmas Party naman namin ngayon eh. Sasaglit lang ako dun, di ako magtatagal.

Pumayag ang Daddy ni Sky na ang ipagbenta na ang stocks ng kompanya in public pero he insisted na dapat daw, yung 20% of stocks ay kanila pa rin,10% ay sa mga Lee, and another 10% ay sa mga Fuentes kaya 60% lang ang pwedeng ipagbenta. I hope maging maganda ang bidding sa stocks sa December 27.

Pagdating ko sa office, okay na ang lahat. Malapit sa pier ang venue ng Christmas Party. Mga 3 PM na rin nung nagsimula. Masaya naman...niregaluhan ako nina Ate Keira at Courtney. Niregaluhan ko din sila. After kumain at magpalitan ng gifts, nagpaalam na ako. Pumunta muna ako sa office para ayusin ang gamit ko kasi sa January 2 na ako babalik. Pinagbakasyon muna ako ng Mommy at Daddy ni Sky.

Nung palabas na ako ng office, biglang dumating si Zander.

"Summer. Bakit uuwi ka na?"

"Kailangan ko pa kasi mag-impake ng gamit eh."

"Bakit?"

"Magbabakasyon muna ako saglit. Sabi nina Mr. and Mrs. Buenaventura eh sa January 2 na daw ako bumalik." 

"So 1 week mahigit pala kitang hindi makikita?" 

Tumawa ako at tinitigan si Zander. 

"Zander, stop it. Ang dami pang iba diyan." 

"I won't stop unless magkaroon ka ng bagong boyfriend." 

"Is that so?" 

Napailing na lang ako. Bigla siyang may iniabot na regalo sa akin. 

"Buksan mo na. Hope you'll like it." 

"Nag-abala ka pa." 

Nung buksan ko, plain black mug ang bumungad sa akin. Bigla akong hinila ni Zander sa may water dispenser at nilagyan ng mainit na tubig ang mug. Nagulat ako kasi unti-unting nagka-picture dun sa mug. At mas nagulat ako dahil ang picture na nabubuo ay kami ni Sky. 

"Grabe, Zander...where did you get this picture? Saka...isn't it a bit awkward? Nililigawan mo ako and then ang ireregalo mo sa akin eh picture namin ni Sky?" 

"Saan pa? Edi sa fb. You know what Summer? I really felt awkward. Pero alam ko na kapag yan ang niregalo ko...sasaya ka. Walang ibang nagpapasaya sa'yo kundi si Skyler." 

"I am sorry Zander. I know you are hurting---" 

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon